PATAY sa atake sa puso araw ng Sabado si Royette Padilla, ang panganay na kapatid nina Robin, Rommel, at BB Gandanghari (dating Rustom Padilla).
Mismong ang kapatid nilang si Rebecca ang nag-post sa Facebook na, “Pls whisper a prayer for our brother Royette Padilla. A silent prayer for his eternal peace, please.”
Maratandaang nag-post si Royette ng larawan na kasama ang kanyang inang si Eva Cariño Padilla noong Pasko.
Si Royette ay gumanap din sa mga pelikulang Di Na Natuto (Sorry na, puwede ba?), Mistah, at iba pa.
Comments are closed.