RP-US BALIKATAN 2018 OPEN NA SA MEDIA

CAMP AGUINALDO – NILINAW ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nila pinagbabawalan ang media na i-cover ang Balikatan 2018.

Sa  press conference kahapon kasunod ng formal opening ng ika-34 Balikatan Exercises, sinabi ni Lt. Gen. Emmanuel Salamat, Philippine Exercise Director ng Balikatan 2018 na wala naman silang official pronouncement na banned ang media sa pag-cover ng Balikatan events nataliwas sa unang advisory ng AFP information bureau.

Dumalo at nanguna sa pagbubukas ng 34th Balikatan war exercise sa Camp Aguinaldo sina U.S. Ambassador Sung Y. Kim, Secretary of National Defense Delfin N. Lo­renzana, at mataas na pinuno ng AFP sa pangunguna ni AFP chief of Staff Lt. Gen. Carlito Galvez  at  U.S. military.

Ayon sa kalatas na inilabas kahapon ng US Embassy, saklaw ng gagawing pagsasanay ngayong taon ang paglilinang ng kanilang  counter ­terrorism capabilities at palawakin ang kaalaman sa inter-operability tungo sa pagsugpo ng global terror networks.

Kasama sa gaganaping joint exercise ang ilang kinatawan mula sa  regional partner nations. Multinational forces mula  U.S., Philippines, Australia, at  Japan ay sasali sa mga  major training event.

Magsisimula ang amphibious landing exercise ng 2 government troops sa Naval Education Training Command sa San Antonio, Zambales sa May 9, habang gagawin naman ang combined arms live fire exercise sa Colonel Ernesto Rabina Air Base o Crow Valley sa Tarlac sa May 15.

Ayon kay Lt. Liezl Vidallon, Balikatan Public Affairs Director, kaiba sa mga naunang joint military exercises, mas mataas ngayon ang antas ng pagsasanay ng mga sundalo na lalahok sa Balikatan.

Sesentro rin kasi ito ngayon sa mga manmade calamities katulad na lamang ng chemical attack.

Bukod dito, tutuon din ang naturang aktibidad sa counter terrorism, humanitarian assistance at disaster response.

Tatagal ang Balikatan exercise hanggang May 18 at gaganapin sa iba’t ibang bahgi ng bansa.

Tinataya namang nasa 5,000 sundalo mula sa Pilipinas at 3,000 mula sa Estados Unidos ang makikibahagi sa Balikatan 2018. VERLIN RUIZ

 

 

 

Comments are closed.