RRR CUT IKINATUWA NG BANKERS

BAP president Cezar Consing.

IPINAGBUNYI ng pinakamalaking financial institutions sa bansa ang desisyon ng Monetary Board (MB) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bawasan ang reserve requirement ratio (RRR) para sa mga bangko ng 200 basis points.

Ayon sa Bankers Association of the Philippines (BAP), ang umbrella organization ng pinakamalalaking bangko sa bansa, ang hakbang ay makatutulong upang mapabilis ang paglago ng ekonomiya ng bansa.

Napapanahon din umano ito dahil ang inflation rate sa domestic economy ay bumagal sa 16-month low noong Abril.

“The 2 percent cut in reserve requirements recognizes the BSP’s effectiveness in strengthening the country’s banking system,” wika ni BAP president Cezar Consing.

“It is a bold move, coming on the heels of a policy rate cut, but equally appropriate given how our financial system has advanced under the BSP’s stewardship.”

Ang reserve cut ay ipa­tutupad sa tatlong bahagi –  100 basis points (bps) simula sa Mayo 31; 50 bps epektibo sa Hunyo 28; at 50 bps simula sa Huilyo 26.

“This new policy will apply to universal and commercial banks only. For the other types of banks, the cut in RRR will be considered in the next MB meeting,” wika ni BSP Governor Benjamin Diokno.

Ang hakbang ay kasunod ng 25-basis point reduction sa key overnight rate ng central bank noong nakaraang linggo, na ayon sa mga opisyal ay bunga ng anim na sunod na buwan na pagbaba sa inflation rate ng bansa.

Noong nakaraang taon ay itinaas ng BSP ang interest rates ng combined 175 basis points upang malabanan ang pagsipa ng inflation.

Kasalukuyang nasa 18%, ang reserve requirement, ang halaga ng cash na dapat hawak ng isang bangko sa reserves nito laban sa deposits na isinagawa ng mga customer ng Filipinas, ay kabilang sa pinakamataas sa mundo.

Tiwala naman ang BAP na ang RRR, kasama ang pagpapababa sa policy rates, ay magpapanatili sa lumalaking  economic momentum ng bansa.

“The association is confident that the Bangko Sentral will continue to exercise its regulatory role effectively as catalyst to bolster economic growth and consumer confidence in the banking industry,” ani Consing.

Comments are closed.