NAGPASIYA ang Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bawasan ang reserve requirement ratio (RRR) ng mid-sized banks, isang linggo makaraang inanunsiyo rin ito para sa malalaking bangko sa bansa.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, inaprubahan ng MB na bawasan ang RRR ng thrift banks ng 200 basis points sa 6 percent mula sa 8 percent sa tatlong tranches – 100 basis points simula sa Mayo 31, 50 basis points epektibo sa Hunyo 28, at 50 basis points pa simula sa Hulyo 26.
“For rural and cooperative banks, the RRR was cut by 100 basis points from 5% to 4%, effective 31 May 2019,” wika ni Diokno.
Ang hakbang ay kasunod ng desisyon ng BSP noong nakaraang linggo na bawasan ang RRR— ang halaga ng cash na reserba ng isang bangko la-ban sa deposito ng mga customer— ng universal at commercial banks ng 200 basis points sa 16%.
Noong nakaraang taon ay tinapyasan din ng BSP ang RRR ng 200 basis points, bilang bahagi ng pagbabago ng central bank tungo sa higit na mar-ket-based implementation ng monetary policy.
Noong Marso ay nagpahiwatig si Diokno sa posibilidad ng pagbabawas sa RRR isang beses tuwing tatlong buwan sa susunod na apat na quarters.
Sinabi rin ni dating BSP Governor Nestor Espenilla Jr. na nais niyang ibaba ang RRR sa ‘single-digit’ sa kanyang termino na magtatapos sana sa 2023, subalit sumakabilang-buhay siya noong Pebrero makaraang makipaglaban sa tongue can-cer sa loob ng mahigit isang taon.
Comments are closed.