(RT-PCR test result paso na) CANADIAN ‘DI NAKABIYAHE, NAGWALA SA NAIA

NAGWALA sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City ang isang papaalis sanang Canadian matapos hindi pasakayin ng mga tauhan ng Korean Airlines dahil limang oras nang expired ang kanyang RT-PCR test result.

Kinilala ang dayuhan na si Jim Robert at naka-iskidyul sumakay sa Flight KE 624 papuntang Canada via Incheon, South Korea, nang harangin ng mga tauhan ng Korean Airlines sa Departure ng Terminal 1.

Sinubukang makiusap nito sa airline personnel, bagkus nagmatigas ang airline personnel bilang pagsunod sa health protocols na ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) on COVID-19.

Maging ang mga airport police ay tinanggihan ng airline personnel sa pakiusap, bagkus nanindigan ang mga ito sa kanilang naging desisyon upang makaiwas sa kakaharapin penalty na ipapataw ng IATF.

Kaugnay nito, pinayuhan ng mga tauhan ng APD si Robert na humingi ng tulong sa Canadian Embassy sa pambayad ng kanyang panibagong swab test upang makasakay sa kanyang flight pauwi sa kanyang lugar.

Sa kasalukuyang ipinapatupad ng mga airlines company sa NAIA ang No PCR test negative result, No boarding, bilang pagsunod at makaiwas ang kanilang kumpanya sa penalty na ipapataw ng IATF.

Si Robert ay galing sa Southern Leyte, at ayon sa kanya wala na siyang pera na pambayad sa panibagong PCR test.

Ayon naman sa pahayag ng airline personnel si Robert ay hindi makakasay habang walang ipakikitang RT-PCR negative result sa loob ng 72 oras ng issuance. FROILAN MORALLOS

5 thoughts on “(RT-PCR test result paso na) CANADIAN ‘DI NAKABIYAHE, NAGWALA SA NAIA”

  1. 993418 29787Over and more than again I like to take into consideration this troubles. As a matter of fact it wasnt even a month ago that I thought about this really thing. To be honest, what is the answer though? 369135

Comments are closed.