EPEKTIBO sa Pebrero 1 ang mga pasaherong darating sa bansa ay kailangan nang sumailalim sa facility-based quarantine at kukuha ng RT-PCR test sa ikalimang araw.
Ito ang nakasaad sa revised protocols na inaprobahan ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) para sa mga dadating na pasahero mula sa ibang bansa kabilang ang mga foreigner na sumailalim sa RT-PCR test habang nasa isolation facility sa ikalimang araw ng kanilang pagdating.
Ang naturang testing at quarantine protocols at nakapaloob sa IATF Resolution No. 96 na may petsang Enero 26 2021.
“Arriving passengers, regardless of origin, shall be required to undergo facility-based quarantine upon arrival,” sabi sa resolusyon.
“Unless the passenger exhibits symptoms at an earlier date while on quarantine, Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction test shall be conducted on the fifth day from date of arrival in the Philippines,” base pa sa resolusyon.
Sa ngayon ang lahat ng dadating na pasahero sa bansa ay kailangang agad na sumalang sa RT-PCR test at manatili sa isolation habang naghihintay ng resulta habang ang mga pasaherong manggagaling sa nga bansang saklaw ng travel restriction ay kailangang sumalang sa ikalawang RT-PCR test sa ika limang araw ng kanilang pagdating.
Sa ilalim ng kasalukuyang new protocols, sinabi ng IATF na kapag negatibo ang resulta, ang pasahero ay ieendorso sa kani-kanilang destinasyon na local government units na siyang makikipag coordinate para sa paglilipat ng pasahero mula sa quarantine facility patungo sa pupuntahang lugar at mahigpit na imomonitor para sa nalalabing araw ng 14-day quarantine sa pamamagitan ng mga Barangay Health Emergency Response Teams.
Mananatili pa rin ang pagpapatupad ng kaukulang patient management na naaayon sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases guidelines at Department of Health Omnibus Interim Guidelines on Prevention, Detection, Isolation, Treatment, and Reintegration Strategies for COVID-19.
Sa ginanap na “Laging Handa” public briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pagbabago sa mga test protocols ay isasagawa para mas maging episyente sa ginagawa ng pamahalaan.
Ayon kay Vergeire sakaling magpositibo sa COVID-19 ang pasahero sa ikalimang araw ay walang dapat na ikabahala para sa posibleng transmission.
“As long as we isolate them, even though they are positive, we are assured that they are confined in that room and they cannot infect others. That’s why it is also stated in the resolution that there is no cohorting, there’s a need for separate rooms for our arriving citizens because they will only be tested on the fifth day,” paliwanag pa ni Vergeire. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.