RT-PCR TESTS GAWING AFFORDABLE, ACCESSIBLE SA PUBLIKO-MARCOS

HINILING kahapon ni dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa gobyerno na gawing abot-kaya ang Covid19 RT-PCR tests at maging madali para sa publiko na makapagpagawa nito ngayong sinisikap na buksan ang ekonomiya sa gitna ng tumataas na kaso ng coronavirus.

Si Marcos, na nagka-Covid19 noong nakaraang taon, ay tinanggap ang desisyon kamakailan ng Department of Health (DoH) na babaan ang ceiling ng mga RT-PCR tests.

“Malaking tulong ‘yung pagpapababa ng price cap ng RT-PCR tests pero sa tingin ko ang mas mahalagang usapin ngayon ay kung paano natin mas gagawing accessible ito para sa mas nakararami,” saad ni Marcos na nagsabi pa na: “Nagmura nga, eh, nasaan naman?”

Inilabas ang circular ng DoH noong Agosto 26 na naglagay sa price cap para sa Covid19 tests ng mula ₱2,800 sa ₱2,450 para sa public laboratories at ₱2,940 – ₱3,360 sa private laboratories. Para sa home service, ₱1,000 ang idadagdag.

Binigyang diin ni Marcos na habang nagpapatuloy ang pagbubukas ng ekonomiya at dumarami na ang lumalabas, mangangailangan ng maraming RT-PCR tests dahil ito lamang ang kinikilalang katibayan kung mayroon o walang COVID ang isang tao.

Hinimok ni Marcos ang mga LGU na pangunahan ang pagdaragdag ng mga lokasyon kung saan ang mga tao ay maaaring makakuha ng COVID test.

“Ang naiisip nating paraan ay magpakalat ang LGUs ng mga mobile testing centers sa kada barangay upang mas marami ang mabilis na ma-test at para rin maging mas convenient sa mga tao. Maaari rin silang magbigay ng mga diskuwento kung kinakailangan,” dagdag ni Marcos.

Sa kasalukuyan, ang mga LGU ay nagbibigay ng mga libreng RT-PCR tests sa kanilang mga residente na may ilang mga restriksiyon.

Hinimok din ni Marcos ang pamahalaan na dagdagan ang bilang ng mga accredited na laboratoryo na maaaring magsagawa ng ‘Saliva’ RT-PCR Test dahil magbibigay ito ng alternatibo o pagpipilian para sa mga Pilipino.

“Isa rin sa ating nakikitang paraan upang mapababa ang presyo ng RT-PCR tests ay ‘yung pagdagdag ng accredited laboratories para sa Covid19 Saliva testing. Mas mura ito kaysa sa standard RT-PCR pero accurate rin. Mainam ito at hindi na kailangan ng nasal swabbing na minsan nagdudulot ng discomfort sa mga pasyente,” ayon pa sa dating senador.

Sa kasalukuyan, ang Philippine National Red Cross (PNRC) at ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) lamang ang mga accredited na institusyong pinahintulutan na magsagawa ng test.

5 thoughts on “RT-PCR TESTS GAWING AFFORDABLE, ACCESSIBLE SA PUBLIKO-MARCOS”

  1. 241341 393042You created some decent points there. I looked on the internet for that dilemma and located many people will go in addition to with the internet web site. 304670

  2. 581362 872742For anybody who is considering about external complications, sometimes be tough amaze those to realize to produce just a single weed in this very flowing typically requires eleven liters concerning gasoline to. dc totally free mommy blog giveaways family trip home gardening house power wash baby laundry detergent 597404

Comments are closed.