RUBBER, BANANA AT CORN INDUSTRY HUMINA SA NORTH COTABATO

NORTH COTABATO-2

LUBHANG humina ang kalakalan ng rubber, banana at corn industry ng Tulunan, North Cotabato matapos ang sunod-sunod na lindol na tumama sa Mindanao.

Napag-alaman sa opisyal ng Barangay Bituan, Tulunan, North Cotabato na si Punong Barangay Levina Pajanilag, na pinakaapektado ang kanilang barangay kung ekonomiya ang pag-uusapan dahil sa daan-daang ektarya ng taniman ng rubber, mais at saging ang tuluyang nasira makaraang matabunan sa nangyaring landslide sa kalagitnaan ng lindol.

Bunsod nito, nasa mahigit 1,000 indibiduwal ang nakararanas ngayon ng matinding hirap at gutom matapos ang lindol kung saan karamihan sa magsasaka sa kanilang lugar ang nanghihinayang sa milyon-milyong pagkalugi sa kanilang mga pananim lalo na at malapit na sana ang harvest season.

Natatakot din aniya ang mga ito na bumalik sa kanilang mga taniman lalo na at nagbabanta pa rin ang pagguho ng lupa dahil ramdam pa rin ang mga pagyanig sa kanilang lugar.  BENEDICT ABAYGAR, JR.