(Rubout ang pagkamatay ng 4 sundalo sa Sulu) FABRICATED ANG PNP REPORT – GAPAY

Gilbert Gapay

FORT BONIFACIO- NANINIWALA si Army Chief, Lt. Gen. Gilbert Gapay na rubout at hindi misencounter ang pagkapaslang sa apat niyang tauhan sa Jolo, Sulu noong Hunyo 29 ng hapon.

Hindi rin aniya katanggap-tanggap at nakagagalit ang inilabas na spot report ng Sulu-PNP hinggil sa pagkakapatay sa dalawang army officers at dalawang enlisted personnel ng mga pulis.

Ang nasabing ulat ay tinawag ni Gapay na “fabricated” at puno ng panlilinlang habang naniniwala rin ang heneral na pinatay sina Sgt. Eric Velasco, Maj Marvin Indammog, Capt. Irwin Managuelod, at Corporal Abdal Asula.

“There was no misencounter here, it was rubout and we find the report fabricated, full full of inconsistencies, para sine and very misleading,” ayon kay Gapay.

Wala aniyang armas ang mga sundalo nang pagbabarilin ng lima sa siyam na mga pulis at saka tumakas.

Hindi naman napigilan ni Gapay ang kaniyang galit at inaming masama ang kanilang loob hinggil sa insidente.

Aniya, gagawin nila ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng apat na sundalo.

“Heads will roll here and those that will be thar are liable should be punished to the max and we are invoking command responsibility here,” ayon pa sa Army chief.

Dahil nawalan aniya sila ng magagaling at beteranong army intelligence officer, naka-half mast ang lahat ng kampo ng militar bilang kanilang pagluluksa. VERLIN RUIZ

Comments are closed.