ITINUTURING na persons under investigation (PUI) sa COVID-19 si Eat Bulaga host Ruby Rodriguez, ang mister at anak nito.
Ito ay dahil may close contact si Ruby sa kapatid na si Dr. Sally Gatchalian, na pumanaw dahil sa COVID-19.
Si Dra. Gatchalian ang ika-siyam na doktor na binawian ng buhay dahil sa COVID-19.
Sinabi ni Ruby na tapos na sana nitong Linggo ang quarantine period nilang mag-anak ngunit dahil sa close contact sa kanyang kapatid ay in-extend ito ng isa pang linggo.
Matatandaang nag-post sa Instagram si Ruby kamakailan na: “I love you so much my big sister (heart emojis) smile say hi to Mom Dad and manong robert. Be at peace do not worry about us anymore. Have fun in heaven! Love you so much!!!”
Comments are closed.