SA pagbabalik pelikula ni Rufa Mae Quinto ay muli sila nagkasama ni Ai Ai delas Alas na nakasama niya sa pelikulang Booba in 2000 at Pasukob in 2007.
Masaya si Rufa na dating mainstay ng Bubble Gang at matapos ang maraming taon, nagdesisyon kumalas sa GMA 7 para lumipat sa ABS-CBN. Hanggang sa ngayon ay hindi pa tumitigil si Ai Ai sa paggawa ng movie.
Mistulang wala raw kapaguran ang Comedy Queen na siyang iniidolo niya noong magsimula siya sa showbiz. Kakaiba nga raw ang energy ni Ai Ai na parang hindi na raw natutulog noon.
Inamin ni Rufa Mae na napagod raw siya gumawa ng pelikula noon at mamili kung ano ba talaga ang priority niya sa buhay.
“Dumating ang time na kailangan kong mamili, career o ang magkaroon ng pamilya. Wala naman akong pinagsisihan kasi nagkaroon ako ng asawa na sobrang bait at anak na kasing kulit ko.”
Umaasa si Rufa Mae na sa pagsasama muli nila ni Ai Ai sa isang pelikula ay magtuloy-tuloy na ulit ang paggawa niya ng movie.
Kung noon daw, kapag may mga bagong komedyante ay nai-insecure siya, pero ngayon ay kalma lang siya at natutuwa sa mga bagong babaeng komedyante.
Sabi nga ni Rufa Mae sa mga baguhang komedyante na kung kailangan raw ng mga ito ang kanyang suporta ay handa siyang tumulong para mas masaya ang lahat.
MARIEL RODRIGUEZ ISINABAY SA BIRTHDAY NIYA ANG CELEBRATION NG B-DAY NI ROBIN
PINAGSABAY na ni Mariel Rodriquez Padilla ang birthday party niya at birthday ng husband na si Robin Padilla. 35th birthday niya last August 10 at 50th birthday ni Robin sa November 23 pa. In-advance na ang celebration dahil wala siya at kanilang anak na si Isabella sa araw mismo ng kaarawan ng husband dahil nasa America na sila that day para doon isilang ang ikalawang anak nila ng sikat na action star.
“Post nga ni Mariel: “I am 35 years old today!!! And last night we had our biggest party ever!!! But it wasn’t for me…it was for my husband as he turns 50 this November and sadly, Isabella and I will not be here to celebrate with him. So I threw him a surprise party… the whole time he thought it was my party I was planning but it was his.”
Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte lang naman ang kanilang special guest sa naganap na sabay na birthday party nina Mariel at Robin.
“Thank you sooo much!!! Your presence made Robin`s 50th most special,” say ni Mariel.
Dumating din ang alalay at ngayon ay senator na si Bong Go sa birthday party na ginanap sa Raffles Makati.
Baby girl uli ang isisilang ni Mariel at ang stepdaughter naman niya na si Kylie Padilla ay magsisilang ng baby boy na second baby naman nila ni Aljur Abrenica.
Comments are closed.