HURTING ang billing ni Rufa Mae Quinto sa poster ng pelikulang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka.
Si Alex Gonzaga lang ang above the title at nakahilera naman sa unang linya na below the title ang ‘starring’ na sina Vin Abrenica, Jerald Napoles, at Candy Pangilinan.
“Also starring” sa next line ang name nina Rufa Mae Quinto, Jayson Gainza, Loisa Andalio, Alora Sasam, at Joj Agpangan.
How sad naman. Anyway, wala namang reklamo si Rufa Mae. Aminado na siguro niyang pang-below the title na siya, for the simple reason that she gets to easy supporting roles these days.
Hayaan na nating ang kanyang manager ang mag-resolve niyan kung may reklamo man sila.
Baka naman kasi maliit lang talaga ang role niya.
If it’s any consolation, happy naman siya sa kanyang married life, lalo na’t aligagang-aligaga siya sa pag-aalaga ng kanyang anak.
o0o
“HINDI ko talaga alam kung siya talaga, pero idinenay niya sa akin. Sa pagkakilala ko sa kanya, hindi siguro,” asseverated Phoebe Walker about the scalding rumor that her ex-boyfriend Matt Edwards who’s now in England had an intimate relationship with comedian Allan K.
Matatandaang sina Phoebe at Matt ang winners ng Season 2 ng The Amazing Race Philippines ng TV5 wayback 2014.
Lately, naungkat ang dormant rumored involvement ni Matt kay Allan K for wanting of things to talk about. For wanting of things to talk about daw, o! Hahahahaha!
Ayon kay Phoebe, ang pagkakaalam daw niya, family friends lang talaga nila Matt si Allan.
Nu’ng unang punta raw yata nila rito sa Pinas, nag-guest sila sa Eat Bulaga! bago pa sila nag-meet ni Phoebe.
When they were still involved with each other, Matt said that he didn’t go for gays. Ang kaso, may nabasa raw siyang article na nai-forward niya sa kanyang boyfriend that time dahil feeling niya’y ito ang tinutukoy sa blind item dahil pasok na pasok ang clues.
Her ex denied the blind item categorically, stating further that he would never stoop that low.
Nevertheless, nagtagal ng tatlong taon ang kanilang relasyon but she had to call it quits because Matt was fast becoming jealous and temperamental, to the point that he was already hurting her physically.
“After ng Amazing Race, saka kami naghiwalay,” Phoebe remembered. “Nag-away kami, naging pisikal siya sa akin.
Nakita naman ‘yun sa TV, ipinalabas ‘yun sa TV5, sa Amazing Race. Well, kaming dalawa actually ang nagkasakitan.
Siyempre, ‘yung instructions tapos pagod na kami, then hindi niya naiintindihan ‘yung Tagalog.
Binato niya ako ng tinapay sa mukha, sa loob kami ng taxi. Parehas naman kami na mainitin ang ulo dati, pero mas British siya, kasi ‘yung culture niya, roon siya lumaki.”
Right after the completion of the reality show, Phoebe was able to notice that Matt was becoming temperamental and hot blooded.
“Mas violent siya na mag-react kapag pikon, so parang sabi ko, ayoko na,” she said in earnest.
BADING NA EXECUTIVE LITONG-LITO NA
KUNWARI’Y patay-mali sa mga lait na kanyang natatanggap pero saan ka, depressed na depressed na ang silahis na TV executive! Ha ha ha ha! ‘Pa’no ba naman, karamihan sa kanyang mga project ay semplang!
Serves you right for being so uncouth and highly delusional. Akala siguro niya, porke’t natigbak niya ang career namin sa Dreamscape ay mawawala na rin kami.
There’s a big possibility that you might lose your job since you’re basically inept but I would never run out of job opportunities since I am good at the things that I do.
Imagine, inalis niya ang karamihan sa PRs ng nasabing production at ibinato na lang sa mga editor ang kanilang releases, ano ba naman ang naging effect nito?
Iba pa rin ang PR dahil nag-iisip sila ng magagandang anggulo, unlike sa mga gawain n’yong presang-presang ang dating kaya walang nagkakainteres na magbasa.
Anyway, hintayin ng klosetang ito ang pagbagsak ng kanyang soap operas at iba pang projects on national television. Babu, dyudingarce!
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you Nhong!
Comments are closed.