RUFA MAE QUINTO BEAUTY KAHIT MAKIKIPAGDIBORSYO

Positibo at maganda pa rin si Rufa Mae Quinto kahit harassed sa napipintong pakikipagdiborsyo sa asawang si Trevor Magallanes.

Hindi rin patitinag ang comedienne sa kasing kinasasangkutan niya kaugnay ng isa niyang endorsement.

Mas madalas siyang mag-post ngayon sa FB at Instagram, marahil, para ipakitang okay Siya sa kabila ng lahat.

Talaga namang malakas at matapang si Rufa. We are sure na malalagpasan niya ang lahat ng pagsubok.

Go girl!