RUFA MAE QUINTO BIKTIMA RIN NG ESTAFA

Umalma si Rufa Mae Quinto at itinangging may kinalaman siya sa panloloko sa mahigit tatlumpu’t siyam (39) na kataong naghain ng kaso laban sa kanya.

Fourteen counts ng paglabag sa Section 8 of Securities Regulation Code ang kasong kinakaharap sa kasalukuyan ng aktres, katulad ni Neri Naig Miranda.

Celebrity endorser din kasi si Rufa Mae ng Dermacare beauty clinic na nasasangkot ngayon sa investment scam.

Kumpirmadong mayroon ding warrant of arrest kay Rufa Mae.

Ang legal counsel ni Rufa Mae na si Atty. Mary Louise Reyes ang nag-post sa Facebook ng official statement ng aktres.

Paglilinaw ni Rufa Mae, katulad ng iba ay biktima lang siya ng beauty clinic na pag-aari ni Chanda Atienza.

“I want to take this opportunity to address the recent allegations that have been circula­ting regarding my involvement in a scam issue.

“Let me state this unequivocally: I HAVE NO CONNECTION WHATSOEVER TO ANY FRAUDULENT ACTIVITY AND I CA­TEGORICALLY DENY THESE BASELESS ACCUSATIONS.

“IF ANYTHING, I AM ALSO A VICTIM AND I AM DETERMINED TO SEEK JUSTICE.”

Hindi raw akalain ni Rufa Mae na ang reputasyong matagal niyang inalagaan at sa tagal na niya sa industriya ay masasangkot siya sa ganitong eskandalo.

Ganunpaman, naniniwala raw ang aktres na sa huli ay mananaig ang kabutihan at katotohanan.