AMINADO ang magaling na komedyana na si Rufa Mae Quinto na literal na ‘hiwalay’ sila ngayon ng kanyang non-showbiz mister na si Trevor Magallanes. As in, long distance relationship sila ngayon ng mister na State-based businessman.
Ani ni Rufa Mae, mahirap man ang relasyon nila ngayon ng mister dahilan sa magkahiwalay sila physically ay open naman daw ang kanilang komunikasyon. Mas pinili kasi ni Rufa Mae na mag-stay sa Pinas dahilan sa kanyang showbiz career. May ginawa siya kasing isang pelikula kung saan ay siya muli ang bida. Na-miss na rin kasi ni Rufa na magbida sa pelikula, matagal-tagal na rin naman ang nakalipas nang maging bida siya. Bukod pa sa regular show niya sa ABS-CBN na “Home Sweetie Home”.
Dagdag na say pa rin ni Rufa ay anytime na gusto naman daw niyang magpunta sa States at makasama ang mister ay okey na okey ito kay Trevor. Ani pa ni Rufa Mae, very supportive and understanding diumano ang kanyang mister sa kanyang showbiz career. Samantala, pabiro rin inamin ni Rufa Mae na insekyur siya sa kanyang leading man sa bago niyang movie. Ilang beses na raw kasi itong naging best actor at wala pa raw siya. Bilib na bilib rin si Rufa kay Edgar Allan de Guzman na kahit sa komedi ay magaling din itong young actor.
SUNSHINE DIZON ISANG GABBY PA RIN ANG KAPARTNER SA BAGONG SERYE SA SIYETE
MALAKI ang naging tulong ng tambalan noon ni Sunshine Dizon at Gabby Concepcion para sa pagpapataas ng rating ng super hit afternoon teleserye ng Siyete, ang “Ika-6 Na Utos”. Dahilan sa naging maganda ang chemistry ng dalawa ay marami rin ang nagre-request sa GMA management na muling pagtambalin ang dalawa, lalo pa nga mga kapuwa Kapuso artists sina Sunshine at Gabby.
Wish granted naman para sa followers ni Sunshine Dizon na muling makatambal si Gabby pero hindi na si Gabby Concepcion, kundi si Gabby Eigenmann para sa soap opera na “Kidnap”. And as usual iikot na muli ang istorya sa isang pamilya kung saan ay nakidnap ang anak ng mag-asawa. At para mas lalong tumindi pa ang “Kidnap” ay isinama rin sa cast ang primera nueva kontrabida na si Kyline Padilla at ang award winning child star noon na si Therese Malvar. At para mas lalong maging masalimuot ang istorya ay sinama na rin si Angelika dela Cruz na naging malaki rin ang ambag para mas mapaganda ang “Ika-6 Na Utos”.
Comments are closed.