Ruffa Gutierrez nakipagbiruan kay Yilmas Bektas sa IG

MALAKING  bagay kay Ruffa Gutierrez na nakasama ng kanyang mga anak na sina Lorin at Venice ang kanilang amang si Yilmas Bektas sa celebration ng Father’s Day.

Ani Ruffa, maraming Father’s Day na hindi nila nakasama ang kanilang ama na ex-husband ni Ruffa.

Kaya naman enjoy galore ang mag-aama sa Istanbul, Turkey, kung saan nakatira si Yilmas. Biruin mo nga namang 15 years silang hindi nagkita.

Mukhang nag-enjoy naman talaga ang mag-aama dahil panay ang post nila sa social media na lagi namang pinupusuan ni Ruffa.

Pauwi na sa Pilipinas sina Lorin at Venice pero naukwento ni Ruffa na nakabiruan pa niya si Yilmas.

Humirit kasi ang mga bata ng extension ng kanilang bakasyon.

Text daw ni Venice, ‘Ma, can we extend?’ Sagot naman ni Ruffa, “’No!”

Humirit daw ang tatay. ‘Ay, I didn’t see them for 15 years. ‘Wag kang mag-alala for 15 years din… Next mo sila makikita after 15 years din.’

Of course, Yilmas didn’t mean it dahil libre na sina Lorin at Venice na bumisita sa kanilang ama anytime na libre sila. Sabi pa ni Ruffa, napakaluwag pala sa dibdib na nakapagpatawad sita at muling nailapit ang kanyang dalawang anak sa kanilang ama. Na-realize din daw niyang marami palang nakaka-relate sa karanasan niya.

Wala namang pamilyang perfect. Kahit ako, naka-relate sa kanila, pero ang mahalaga, yung tatay nila, nag-reach out, hindi katulad ng iba na bahag ang buntot na nagtatago sa takot. Ang mahalaga, mapalaki ng maayos ang mga bata na hindi nalilihis ng landas. Hirap kayang maging single parent.

DENNIS PADILLA WALANG NAKAALALA SA FATHER’S DAY
Saklap naman ng inabot ni Dennis Padilla noong Father’s Day, dahil ni ha, ni ho, walang message sa kanya ang mga anak na sina Julia, Claudia, Leon.

Hindi raw nakatiis si Dennis kaya nag-text kay Leon, pero sabi nito, nakalimutan daw iya.

Nag-post naman si Dennis sa social media na nami-miss niya ang mga anak na sina Julia at Claudia at nakalimutan siyang batiin ng mga ito noong Father’s Day pero walang sagot ang dalawa. In fairness, binura agad ni Dennis ang mga post niya. Pero ano kaya ang naramdaman ni Dennis? Yung ibang tatay, inilabas pa ng mga anak para mag-celebrate, samantalang siya, kahit bati lang wala. Ganyan ba talaga magpalaki ng bata ang mga Barretto? Walang utang na loob?

LOVI POE MAHAL SI SUSAN ROCES BILANG STEP-MOM
Hindi man kadugo, natutuhan daw ni Lovi Poe na mahalin ang “Queen of Philippine Movies” na si Susan Roces dahil naging napakabuti nito sa kanya.

Si Lovi ay anak ng yumaong si Fernando Poe Jr. sa dating actress ba si Rowena Moran, at kung tutuusin, step-daughter siya ni Manang Inday. Sa mga kwento sa komiks, dapat, masungit ang mga step mothers sa mga step daughter, pero iba raw si Susan. Tanggap raw siya nito pati n ani Senator Grace Poe. Ani Lovi, “queen-like” talaga ang veteran actress kaya bagay talaga sa kanya ang titulong Queen of Philippine movies. Maswerte raw ang mga Pinoy dahil biniyayaan tayo ng isang Fernando Poe Jr. at isang Susan Roces. Maswerte rin daw siya dahil nabigyan siya ng pagkakataong makasama si Susan kahit paano dahil isa siyang “amazing woman, queen-like,” dagdag pa ni Lovi.

Sa pagkamatay ni Susan noong May 20 dahil sa cardiopulmonary arrest, kung saan nalibing siya sa Manila North Cemetery katabi ng puntod ni Fernando Poe Jr., nabawasan na naman ang mga haligi ng pelikulang Filipino. Sana ay may kumarga ng naiwang bigat upang makapagpatuloy ang industriya.