NILINAW ng Bureau of Immigration (BI) na walang karagdagang paghihigpit o pagbabago sa mga patakaran sa international flights sa kabila ng muling pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa.
“Existing travel restrictions remain unchanged until these are revised or changed by the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID),” pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente.. “Unlike domestic flights which are suspended under MECQ, international flights at our airports in Manila, Cebu and Clark continue.”
Inabisuhan naman ni Morente ang publiko na palagi silang updated sa mga patakaran sa mga international travel na ipinatutupad ng BI sa pamamagitan ng paga-access sa kanilang website sa http://www.immigration.gov.ph at mga social media accounts kabilang ang www.facebook.com/immigration.helpline.ph at www.facebook.com/officialbureauofimmigration.
Sinabi pa ni Morente na regular silang naga-update sa kanilang website at social media account para maabisuahn ang publiko sa mga bagong patakaran at mga iniisyu ng IATF-EID.
Ang pag-iisyu ng statement ang BI Chief ay kaugnay sa mga tawag at mga katanungan sa publiko matapos na muling ibalik ang MECQ.
Sinabi naman ni BI Port Operations Division Acting Chief Grifton Medina na nananatiling off limits ang bansa sa mga dayuhang turista, gaynunman, bukod sa mga Filipino, tanging ang mga may hawak ng permanent immigrant visas at kanilang foreign spouses, minor dependents at foreign parents ng isang Filipino na minor nilang anak ang maari lamang pumasok sa bansa.
“However, dependents of Filipinos and children of foreigners who have special needs may enter the country, regardless of age,” ayon kay Medina. Only foreigners, overseas Filipino workers (OFWs), and Filipinos who are permanent residents or students abroad are permitted to leave the country.“ PAUL ROLDAN
Comments are closed.