RULING SA IRA PINALAGAN

Erick Balane Finance Insider

MAGHAHAIN ang admi­nistrasyon ni Pangulong Rodrigo  Duterte ng motion for reconsideration sa Korte Suprema kaugnay sa naging ruling ng High Court sa nakokolektang buwis sa Internal Revenue Allotment (IRA) na nag­resulta sa pagkaltas ng malaking pondo sa panig ng Malacañang at nagsalin naman ng mas malaking pondo sa local government units (LGUs).

Katig sina Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez at Budget Secretary Benjamin ‘Benny’ Diokno sa plano ng Malacañang na maghain ng MR laban sa  desisyon ng SC na nagpapahintulot sa LGUs na mgkaroon ng mas mataas na share sa IRA collections sa lahat ng national taxes.

Paliwanag ni Secretary  Diokno, sa ruling ng SC ay magiging obligado ang national government na pagkalooban ng karagdagan hanggang P160 bilyon ang LGUs habang mapipilayan naman ang malaking obligasyon ng gobyerno sa lahat ng uri ng serbisyo sa bayan.

Bagama’t mapupunta sa LGUs ang malaking bahagi ng koleksiyon sa buwis ng IRA, batay sa ru­ling ng Korte Suprema, paliwanag nina Diokno at Dominguez ay hindi naman nito maaapektuhan ang ‘pet project’ ni Presidente Digong sa mga pinasimulan nitong infrastructure program, maging ang investment ratings, lalo na ang isinusulong na ‘Build Build Build’ program ng pamahalaan.

Paliwanag nila, maaari rin namang i-realign ng adminis­trasyon ang ilang pondo sa infrastructure para sa pagpapatupad ng mga proyekto ng LGUs.

Sa initial estimates ng Department of Budget and Management (DBM)  at Department of Finance (DOF), sa ruling ng SC ay aabot sa P1 trillion hanggang P1.5 trillion ang makakaltas sa pondo ng national go­vernment at mapupunta sa LGUs.

Una nang dinesisyunan ng Korte Suprema ang pagkakaloob o yaong tinatawag na  ‘automatic release’ ng pondo ng IRA ‘without need of further action’ kung saan mapupunta ang mas malaking shares ng IRA sa LGU’s na dapat sana ay mapunta sa national government at ang perang ito ay ipamamahagi sa mga lalawigan, lungsod, bayan hanganggang sa barangay level sa pamamagitan ng ‘quarterly basis but not beyond five (5) days from end of each quarter’.

Ang direktibang ito ay nakapaloob sa ru­ling ng SC ‘that share of IRA on the part of LGU’s should be based on all national taxes and not only on national internal revenue taxes.’

Pero sinabi ng Korte Suprema na ang naturang desisyon ‘is prospective in application’ na ang ibig sabihin ay ‘that the LGUs prayer for the payment of arrears in their shares in national taxes was dismissed’ kaya mag­hahain ang pamahalaan ng MR upang ma­ging malinaw ang pagpapatupad sa pamamahagi ng IRA funds.

Nakasaad din sa SC decision ang pagkakaloob ng anim na iba pang tax sources sa LGUs na dapat maging malinaw bago ipatupad at sundin  ng national government.

Kabilang na sa mga ito ang Tariff and Customs Duties na kinokolekta ng Bureau of Customs (BOC), Value Added Tax (VAT), at lahat ng kinokolektang national taxes sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), national taxes na nakoko­lekta sa mining, excise tax sa tobacco products, national taxes na kinokolekta sa ilalim ng Section 283 ng National Internal Revenue Code (NIRC) at  franchise ­taxes sa ilalim ng Republic Act 663 at 6632 ukol sa Horse Racing Laws.

Sa paghahain ng MR ay tiyak na mabibigyan ng linaw ang tamang pamamahagi ng pondo sa mga lokal na pamahalaan at sa national ­government.

Sa panig ng LGUs na pinapaboran ng SC ay malaking ginhawa ito dahil magkakaroon sila ng sapat na pondo para sa lahat ng mga ­pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.

Habang sa panig naman ng national government ay malaking dagok ito dahil maaapektuhan ang mga proyekto nito bagama’t sa ngayon ay itinatanggi ito ng Malacañang.



Para sa komento o opinyon, mag-text lamang po sa  09293652344 o mag-email sa [email protected].

Comments are closed.