RUMESBAK ANG BOLTS

Mga laro sa Linggo:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m.- TNT vs Magnolia
6:30 p.m. – San Miguel vs Meralco

BINIGYAN ng Meralco Bolts si returning coach Norman Black ng mainit na pagsalubong nang rumesbak sa San Miguel Beermen, 99-88, sa Game 2 ng kanilang PBA Philippine Cup best-of-seven semifinal showdown kahapon sa Araneta Coliseum.

Tinambakan sa series opener, 121-97, gumanti ang Bolts nang ibalik ang kanilang matinding depensa.

Nagpasalamat si Black sa kanyang coaching staff at sa kanyang tropa “for a job well done” habang nasa United States siya para sa yumao niyang ina.

Nagbuhos si Cliff Hodge ng 17 points at 14 rebounds, habang nag-ambag sina Aaron Black (15), Allein Maliksi (15), Chris Newsome (14) at Toto Jose (13) ng double-digit outputs para sa Bolts.

Nagdagdag si Raymond Almazan ng 7 points at 11 rebounds.

Ibinasura ng Bolts ang 22-point, 17-rebound game ni June Mar Fajardo, gayundim ang double-digit contributions nina Marcio Lassiter (16), CJ Perez (14) at Jericho Cruz (11).

Nag-init ang Bolts sa malamig at maulang gabi, at napanatili ang kanilang composure sa kabila ng pagbabanta ng Beermen sa third period.

Sa buzzer-beaters nina Bong Quinto at Chris Newsome sa pagtatapos ng first at second quarters ay kinuha ng Bolts ang 51-48 kalamangan sa half.

CLYDE MARIANO

Iskor:
Meralco (99) – Hodge 17, Black 15, Maliksi 15, Newsome 14, Jose 13, Banchero 9, Quinto 9, Almazan 7, Pasaol 0, Baclao 0, Pascual 0, Belo 0, Caram 0.
Sand Miguel (88) – Fajardo 22, Lassiter 16, Perez 14, Cruz 11, Manuel 7, Herndon 6, Tautuaa 5, Brondial 4, Ross 3, Enciso 0.
QS: 34-20, 51-48, 76-72, 99-88