MAGIGING kapana-panabik ang final session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum para sa 2024 sa pagtungo nito sa Robinson’s Place Manila at pagiging hosts sa 3rd ASICS Rock ‘n’ Roll Running Series Manila.
Ang special edition ng public sports program ay gaganapin sa Activity Center (Atrium side) ng mall simula sa alas-11 ng umaga.
Magiging panauhin upang talakayin ang Nov. 23 at 24 running series sa Rizal Park sina Shina Buxani ng ASICS, Melissa Henson ng AIA, Manila Vice Mayor Yul Servo, DTCAM head Charlie Dungo, at Princess Galura ng IRONMAN Group Philippines.
Ang public sports program ay itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO, at ng Arena Plus, ang 24/7 sports app ng bansa.
Ang session ay naka-livestream via
PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation, at ineere sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2.
Isini-share din ng long-time radio partner ng PSA ang livestreaming sa official Facebook page nito na Radyo Pilipinas 2 sports.
Ito ang magiging huling edisyon ng Forum para sa taon upang magbigay-daan sa coverage ng 2024 Batang Pinoy at BIMP-EAGA Friendship Games sa susunod na dalawang linggo sa Puerto Pincesa, Palawan, gayundin sa paghahanda para sa annual PSA Awards Night sa January 27, 2025.
Hinihikayat ni PSA President Nelson Beltran, sports editor ng The Philippine Star, ang lahat ng miyembro na dumalo sa special session.