BINUKSAN ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) runway 13/31 o tinatawag na domestic airport, matapos ang mahabang panahon na isinagawang rehabilitation ng pamahalaan, bilang paghahanda sa pagbabalik sa normal na operasyon ng airport na ito.
Ang bagong rehabilitated terminal 4 ang siyang magiging daan upang masolusyunan ang problema sa air traffic sa NAIA,at bilang paghahanda sa arrival ng ibat-ibang vaccine mula sa magkakaibang nasyon, ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, matutugunan ang kakulangan ng maximum allowable commercial flight mula sa sampung flight movement per hour to 240 commercial flight per day.
Samantalang, dumalo sa inauguration ng runway 13/31 ang ibat-ibang opisyal ng pamahalaan kabilang sina DOTr Secretary Arthur Tugade, Executive Secretary Salvador Medialdea, Secretary of National Defense Delfin Loranzana, at Department of Tourism Secretary Bernadette Puyat. FROILAN MORALLOS
yahoo dating personals japanese dating site