Kamakailan lang ay umugong ang balita at naging usap-usapan ng mga Pilipino ang pagkamatay ng isang Flight attendant na si Miss Christine Dacera. Ang misterio sa pagkamatay nito ay tila nag-trigger sa ating mga kababayan upang mag-speculate kung ano nga ba ang nangyari kay Christine. Ang PNP Crime Laboratory ay nagsagawa ng kanilang report sa maaring pagkamatay ni Christine, at lumabas nga na siya ay namatay sanhi ng Ruptured Thoracic Aneurysm. Ang Artikulo na ito ay hindi naglalayon na mag-interpret or magbigay ng opinion sa totoong nangyari kay Miss Christine, ito po ay trabaho ng kinauukulan at otoridad. Ang artikulo na ito ay naglalayon na imulat ang mga nagbabasa kung ano ng aba ang sakit na Ruptured Thoracic Aneurysm, sino ang maaring magkaroon nito at ano ang manifestations ng sakit na ito.
Upang ma-explain ang sakit na ito, kailangan nating talakayin ang organ na Aorta. Ang organ na ito ay ang pinakamalaking Artery sa katawan ng tao na nagbibigay ng dugo na mayaman sa oxygen galing sa Left Ventricles ng ating puso patungo sa ating systemic circulation upang magamit ng ating buong katawan. Ang Aorta ay nahahati base sa kanyang pagkasunod sunod; ang Ascending Aorta na nagsusupply ng dugo sa ating puso; ang Aortic Arch na nagsusupply naman sa mga structures sa ating utak, ulo, leeg at mga kamay; angg Thoracic Aorta na nagsusupply ng dugo sa mga organ at structures sa ating dibdib or chest; at ang Abdominal Aorta ang nagsusupply naman sa structures at organ sa ating abdomen or tiyan. Ang walls ng Aorta bilang isang artery ay na-didivide naman sa tatlong layers: ang Tunica Intima na siyang pinaka-inner wall nito, ang Tunica Media na naglalaman ng mga muscles na sumusuporta sa Aorta kapag ang puso ay tumitibok upang maging elastic ito at mapigilan ang pressure na dulot nito; at ang huli ay ang pinaka outermost layer na ang tawag ay Adventitia na nagbibigay ng additional na suporta sa Aorta sa presyon na dulot ng pagtibok ng puso.
Ang paglaki or paglobo ng Aorta ng 50 percent kumpara sa kanyang adjacent na ibang bahagi ng Aorta ay, ang tinatawag na Aortic Aneurysm. Ang sakit na ito ay sanhi ng paghina ng mga walls na nabanggit na sumusuporta sa Aorta. Ang Klase ng Aortic Aneurysm ay depende sa location nito, halimbawa, ang Abdominal Aortic Aneurysm or AAA ay ang Aneurysm ng Abdominal Aorta. Ang paghina ng suporta ng walls ng Aorta ayon sa pag aaral ay sanhi ng pagbawas ng production, OR pagkawala ng dami OR Puede din dahil sa disruption sa balance ng production at degradation ng dalawang substances na ELASTIN at ng COLLAGEN na matatagpuan sa wall layers ng Aorta. Ang Elastin at Collagen ang nagbibigay ng “tensile strength and elasticity” sa WALLS NG AORTA na nagsisilbing “Dampening mechanism” sa damage na maaring mabigay ng presyon ng dugo na nanggagaling sa puso. Karamihan sa mga pangyayari na nabanggit ay tumataas ang RATE BASE SA EDAD NG TAO. Ang ibig sabihin ay tumataas ang possibility ng sakit na Aortic Aneurysm kasabay ng EDAD ng ISANG TAO. Ngunit sa kaso ni Miss Dacera maari ba nating sabihin na hindi puedeng mangyari sa kanya iyon? Mayroon kaya siyang Pre-existing na Thoracic Aortic Aneurysm na maaring na trigger lang ng mga naganap nung gabi ng bagong taon kaya ito ay nag Rupture? Ang Sakit na Thoracic Aortic Aneurysm bukod sa sanhi ng DEGENERATIVE PROCESS gawa ng katandaan ay maari ding dulot ng ibang sakit bilang isang LONGTERM COMPLICATION NITO, OR PUEDE DING KASAMA SA AGGREGATE NA SAKIT NA DULOT NG ISANG DISEASE SYNDROME OR CONDITION.
Ayon kay Dr Stewart Santos, isang kilala at magaling na Thoracic and Cardiovascular Surgeon, Ilan sa mga sakit or condition na maaring magdulot nito ay maaring mangyari sa mga kabataang tulad ni Miss Dacera: Bicuspid Aortic Valve; Marfan’s Syndrome; Infection tulad ng Syphilis, Salmonella at Tuberculosis bilang complication ng mga ito, Hypertension at marami pang iba.
Ayon kay Dr Stewart Santos ang mga sakit na nabanggit ay may maliit na porsyento na maaring magsanhi ng sakit na Thoracic Aortic Aneurysm, maliit man HINDI ITO PUEDENG MA RULE-OUT na hindi ito puedeng mangyari sa edad ni Miss Dacera. Ayon pa kay Dr Stewart Santos, ito ay dapat ma-link sa Medical History ng isang tao at mga manifestations ng mga sakit na nabanggit.
Ang sakit na Thoracic Aortic Aneurysm ay usually na-da-diagnose sa pamamagitan ng imaging technique tulad ng CT Scan of the Chest, Chest Xray depende sa laki ng aneurysm, at Ultrasound. Ang sakit na ito ay usually asymptomatic at ang paglobo ng Thoracic Aortic Anurysm ay gradually lumalaki paglipas ng panahon. Ang manifestation ng sakit na ito ay mas nararamdaman kapag ito ay nag-Rupture na, ilan sa mga ito ay sobrang sakit ng likod na nag-raradiate pababa, hirap na paghinga, pag ubo, pagbaba ng blood pressure, pananakit ng panga, batok at mga kamay.
Kapag mayroong katanungan maaring mag email sa [email protected] o mag like at mag comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook link (https:// www.facebook.com /Dr-Sam-Zacate-Medicus- et-Legem- 995570940634331/) – Dr Samuel A Zacate
Comments are closed.