RURAL AREAS PUWEDE NA SA F2F CLASSES

BUNSOD ng patuloy na pagbaba ng bilang ng mga tinatamaan ng corona virus disease ( Covid 19), nais ni Senador Sherwin Gatchalian na magbukas na ng face to face classes partikular na sa rural areas.

Sinabi ni Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, maaari nang magbukas ng limited face-to-face classes ang mga eskuwelahan sa rural areas sa Enero 2022.

“In the rural areas, in my own analysis, we can really proceed with limited face to face classes as early as January and the reason for that is in our latest out there about 400 LGUs that have zero COVID,” ani Gatchalian.

Dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19, inirerekomenda ng senador na magsimula ang 50 porsiyento na kapasidad sa rural areas.

“So in other words, they can really proceed with their limited face to face meaning at least 50% capacity.

But in the urban areas is a different story,” ayon kay Gatchalian.

“We still have to be cautious even though for example, like Valenzuela, it was quite an organized and successful comeback to limited face to face,” dagdag ng senador.

Maaari na rin umanong humaba pa ang oras ng physical classes sa mga lugar na wala ng kaso ng COVID-19.

Limitado lamang sa tatlong oras dapat manatili ang mga kindergarten sa paaralan habang apat na oras naman sa mas matataas na baitang. LIZA SORIANO