POSIBLENG mag-alok ng iba’t ibang military hardwares at defense equipments ang Russia sa opisyal na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nasabing bansa.
Ito ang inihayag ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga mamamahayag nang tanungin ito kung ano ang maaring maging pakinabang ng kagawaran sa pagbisita ng Pangulong Duterte sa Russia.
“Siyempre they will interest us to buy their equipment: transport helicopters, attack helicopters, multirole fighters, sh(i)ps, drones, tanks, etc. They will give us a catalog of their products for our consideration,” ani Sec Lorenzana.
Posible rin umanong igiit ng Russia ang kanilang Russian diesel-electric submarines na minsan na nilang inalok sa Filipinas, anang kalihim.
“Maybe. But I am not sure,” ani Lorenzana.
Magugunitang kasama pa ang isang reporter ng PILIPINO Mirror na sumilip sa inaalok na Kilo class Komsomolsk-Na-Amure diesel submarines kasama ng Philippine Navy (PN)’s Naval Task Force 87 sa kauna-unahang port visit ng Filipinas sa Vladivostok, Russia.
Inaasahang kabilang sa mga lugar na bibisitahin ni Duterte at mga kasama nito ang Moscow at Sochi sa imbitasyon ni Russian President Vladimir Putin. VERLIN RUIZ