UMALMA ang Russian Embassy sa Manila laban sa katunggaling United States matapos magbabala nang huli sa Filipinas sa posibleng pagbili ng submarines sa Russia.
Ayon sa embahada, matatawag itong “acute attack of colonial syndrome.” Insecure umano ang US dahil hindi naman hinihingi ang kanilang opinyon ay nagsasalita pa rin sila nang hindi dapat.
Isa ang Russia sa tinitingnang potential suppliers ng Filipinas sa mga bibilhing submarines, kasama ang South Korea, France, at Germany.
Noong Huwebes, sinabi ni US Assistant Secretary of Defense for Asian and Pacific Security Affairs Randall Schriver na dapat mag-ingat ang Filipinas sa pagbili ng Russian weapons and platforms dahil puwedeng ikasira ito ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Ani Schriver, ang pagbili ng major platforms ay tungkol din sa pakikipagkaibigan at relasyon ng mga bansa dahil may kinalaman ito sa pakikipaglaban sa ground operations ng US at Russia.
Inamin naman ng Russia na puwedeng maging problema nga ang interoperability ng military equipment, ngunit “exaggerated” umano ang US dito.
Puwede umano itong maging “mental interoperability” na makatutulong sa Filipinas.
Pinuna rin ng embassy ang komento ni Schriver na “the nature of Russian regime.”
May kinalaman umano ito sa Crimea chemical attack sa UK na bahagi ng kanilang “laundry list” o paglilinis.
Gayunman, maging ang US umano ay may mga pagkakamali rin at mayroon ding tinatawag na American laundry list tulad ng Afghanistan, Iraq, Libya na naging breeding ground ng terorismo.
Payo pa ng Russia, hindi dapat pakialaman ng US ang Filipinas dahil may sarili itong presidente.
Sila rin umano ay hindi makikialam sa Filipinas dahil hindi nila itinuturing ang bansa na mas mababa kundi partner.
Mahigit 50 taon na ang pakikipagkaibigan ng Filipinas sa US ngunit nang maupo si Presidente Rodrigo Duterte bilang pangulo noong 2016, binalewala niya ang pagkakaibigang ito at nakipaglapit sa China at Russia bilang bahagi ng kanyang independent foreign policy.
Noong Biyernes, ikinagalit ni Duterte ang mga komento ni Schriver na para umano sa kanya ay pakikialam sa affairs ng Filipinas.
Aniya, hindi dapat tinatratong parang tanga ang isang kakampi.
Dapat umanong linawin ng US kung bakit hindi dapat bumili ng submarines sa Russia kaysa magbabanta sa Filipinas. NENET L.VILLAFANIA
Comments are closed.