RUSSIA NAGHIGPIT SA MGA FOREIGN TOURIST/WORKER

russia

MOSCOW – NAG-ABISO ang pamahalaan ng Russia sa mga foreign tourist gayundin sa mga manggagawa kasama na ang overseas Filipino worker hinggil sa kanilang bagong regulasyon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), tinukoy rin ng Russian government ang mga lugar na magpapatupad ng mahigpit na pagsisiyasat sa mga non-resident.

Ang mga ito ay sa Kamchatka Region kabilang ang Ivashka, Voyampolka, Klyuchevskaya Sopka volcano, Syvuchiy cape (maliban sa timog na bahagi ng bulkan); sa Kalgyr cape, sa Koryaki Automobile road Koryaki-Elizovo-Termalniy-Mutnovskaya Sopka volcano, Russkaya Entrance bay (maliban sa Petropavlovsk-Kamchatky City), Elizovo, inhabited areas – Paratunka, Termalniy, at automobile roads.

Dagdag pa ni DFA, kasama ang Mutnovskaya Sopka volcavo – Russkaya Entrance bay  na nasa teritoryo ng Barkhatnaya sopka – Saranniy cope.

Nagbilin pa ang DFA na laging bitbitin ng mga OFW ang kanilang dokumento o travel paper para hindi makompromiso. EUNICE C.

Comments are closed.