HANDANG magpautang ang bansang Russia sa Filipinas para makabili ng kauna-unahang submarine na ipagkakaloob sa Philippine Navy sa ilalim ng AFP Modernization.
Sa kasalukuyan, naghahanap ang Department of Defense ng mapagkukunan ng specialized underwater craft at isa ang Russia na maaaring mapagkunan nito bagaman wala pang sapat na pondo para maisakatuparan ang proyekto.
“Kung wala tayong pera pahihiramin tayo ng Russia, soft loan(s) (to acquire submarines),” ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos na dumulog ang mga miyembro ng Defense Press Corps.
Sinabi pa ni Lorenzana, bukas ang Russia na bentahan nila ang Filipinas ng kanilang Kilo-class diesel-electric submarines na may surface displacement na 2,350 tons, at may habang 73.8 meters at may bilis na 17 to 20 knots at maaaring armasan ng iba’t ibang uri ng torpedoes, missiles at naval mines at may cruising range ito na 6,000 hanggang 7,500 nautical miles.
“Soft loan” refers to financing with no interest or below market rate of interest,” dagdag pa ni Lorenzana. “That the country’s submarine acquisition program, including possible suppliers, will be most likely finalized in the coming 12 months. Siguro not with-in the year, siguro within the next 12 months baka puwedeng ma-finalize ‘yan, kapag napirmahan ‘yan it will take them four years to make it, so mai-deliver ‘yan tapos na ‘yung term ni Presidente Rodrigo Duterte,” aniya.
Tinukoy ni Lorenzana, gaya ng Filipinas na isang island nation na masasabing hindi kompleto ang depensa nito kung walang submarines sa armada nito.
Nabatid na sa ASEAN region, ang Vietnam ang lantad na may anim na improved Kilo-class submarines sa kanilang armada.
Inihayag din ni Lorenzana na tinitingnan din nila ang iba pang posibleng submarines suppliers sa Europe, kabilang dito ang France.
Samantala, inihayag naman ni DND spokesperson Arsenio Andolong na mapapasama na sa Horizon Three ng Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program (RAFPMP) ang pagbili ng mga submarine.
Sinasabing ang pagbili sa nabanggit na naval craft ay unang itinakda kasabay ng P300 billion project sa ilalim ng Horizon One na ipinatupad mula 2013 hanggang 2017 na nagresulta sa acquisition ng tatlong Del Pilar-class frigates, 12 FA-50PH light-lift interim fighters, two strategic sealift at iba pang proyekto.
Ayon kay Andolong ang submarines ay masasabing ‘a great equalizer’ sa naval arsenal oras na maisakatuparan ang pagbili nito. VERLIN RUIZ
Comments are closed.