NAISAPINAL na nitong nakalipas na lingo ang military to military engagement sa pagitan ng Russia at ng Filipinas matapos na muling magharap ang Joint Working Group ng dalawang bansa sa Moscow, Russia.
Ayon kay Director Arsenio R. Andolong, MNSA, CESE, DND Public Affairs Service chief, base sa 2017 Agreement on Defense Cooperation sa pagitan ng Department of National Defense (DND) ng Repub-lic of the Philippines at Ministry of Defense (MOD) ng Russian Federation ay muling nag-convened sa ikalawang pagkakataon ang Joint Working Group (JWG) ng dalawang bansa sa Moscow.
Ang JWG ay nagsisilbing platform ng Filipinas at Russia para talakayin ang mga inilalatag na military-to-military engagements or activities para sa dalawang bansa.
Sa nasabing pagpupulong ng JWG ay isinapinal na dalawang nasabing bansa ang Plan of Military Cooperation Activities.
Nabatid na nakapaloob sa nasabing plano ang mga activities/engagements, kung saan napagkasunduan ng Russia at Filipinas na magsagawa ng high level exchanges, port visits of navy vessels, sa susunod na taon.
Kasama sa napagkasunduan ang pagdalo sa mga conferences/fora, general staff consultations, coop-eration and security consultations, reciprocal visits of delegations at observers for military training activities, education at training exchanges.
Gayundin, sa nasabing paghaharap ay nabalangkas, nabuo at nilagdaan na ang Terms of Reference (TOR) ng Joint Working Group (JWG) on Defense Cooperation.
Nanguna sa nasabing meeting sina Asec Teodoro Cirilo T. Torralba III, Assistant Secretary for Assess-ments and International Affairs, habang kinatawan naman ni Col. Maxim Vladimirovich Penkin, Head of the 5th Department of the Main Directorate of the International Military Cooperation, ang Russian side.
Magugunitang mismo si Russian envoy sa Filipinas ay nagsabing nakahanda ang Russian government na suportahan ang Armed Forces of the Philippines sa kanilang modernization program kasama rito ang mga military exercises and training.
Nang minsang makapanayam ng PILIPINO Mirror si Russian Ambassador Igor Khovaev, inihayag nito na umaasa sila na magkakaroon sa lalong madaling panahon ng joint military exercise sa pagitan ng Russia at Filipinas. VERLIN RUIZ
Comments are closed.