UMALMA ang Russia sa mga puna ng ilang foreign health expert hinggil sa natuklasan nilang coronavirus vaccine na umano’y kulang sa clinical trial at mistulang nag-aapura para lamang magpasikat.
Ayon kay Russian Health Minister Mikhail Murashko: “foreign criticism of Russian scientific breakthrough is completely unfounded and caused by competitive disadvantages in comparison to Russia`s product. ”
Hindi umano sila nakikipagkarera at hindi kailangang politikahin ang nilikha nilang COVIC-19 vaccine na pakikinabangan ng milyon milyong tao sa buong mundo.
Kaugnay nito, ipinaliwanag din ni Alexander Gintsburg, Head ng Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology na ang Russia`s coronavirus vaccine na tinawag nilang “Sputnik V” ay base sa masusing pananaliksik.
Ang nasabing platform na ginamit sa pagsasalikisik ng tamang bakuna ay produkto ng may 25 taong development for purpose of gene therapy, subalit sa pagtatapos ng taong 2014 ay ginamit ito para lumikha ng gamot para labanan ang mga mabilis na bagong mga virus.
Ito rin aniya ang platform na ginamit sa pagtuklas ng vaccines laban sa Ebola, MERS (Middle East Respiratory Syndrome), at iba pang mga sakit.
Ibinigay pa nilang halimbawa ang paglikha ng Ebola vaccine sa loob lamang ng maikling panahon na binigyan ng pagkilala ng World Health Organization na ang ginamit na teknolohiya ay ginagamit din sa United Kingdom at China.
“Please be assured that we wish the Western scientists and our partners every success in developing COVID-19 vaccines, because it is about millions of lives to be saved. We call on them to refrain from politicizing this issue and be more modest and less jealous,” pahayag pa ng Russian officials.
Una rito ay nagbabala si US Health and Human Services Secretary Alex Azar hinggil sa bagong Russian-made COVID-19 vaccine dahil sa kawalan umano ng transparency nito sa sinagawang clinical trials bago pa ang government approval.
Binigyan ng Russian government ng go signal ang kanilang Sputnik V vaccine na kanilang ipinagmamalaking kauna-unahan sa mundo na panlaban sa novel coronavirus na nakahawa na ng milyon-milyong katao at daad saan lino na ang namamatay.
Samantala, sa Filipinas tahimik na inaprobahan ng Food and Drug Administration ang Traditional Chinese Medicine na Lianhua Qingwen capsule.
Ang Lianhua ay ginagamit sa China bilang panggamot sa mga mild at moderate cases ng COVID-19.
“Lianhua Qingwen Capsule is an approved COVID-19 treatment for mild and moderate cases in China. So far, Lianhua Qingwen Capsule has been approved in Hong Kong and Macao SAR of China, Brazil, Indonesia, Canada, Mozambique, Romania, Thailand, Ecuador, Singapore and Laos PDR,” pahayag ng taga pagsalita ng embahada.
Pero sa inaprubahang registration ng FDA, aprobado lamang ang pagbebenta ng gamot sa merkado. Nilinaw na hindi nakasaad na inaaprobahan na ito sa Filipinas bilang napatunayang gamot sa COVID-19. VERLIN RUIZ
Comments are closed.