VLADIVOSTOK, Russia-Nakipagsabayan sa kanilang Russian counterparts ang mga tauhan ng Philippine Marines na kasama sa contingent ng Philippine Navy na nagsasagawa ngayon ng kanilang official port visit sa base ng Russian Pacific Fleet sa Vladivostok.
Kahapon ng umaga binisita ng Philippine Navy Naval Task Group 87 ang training area ng 155th Russian Marine Base at dito nagpakitang gilas ang mga sundalong Ruso ng kanilang urban warfare skills, skills on land at water assault.
Kabilang dito ang paggamit ng attack and counter attack capability maging sa lupa man ito o sa tubig gamit ang kanilang sophisticated fire powers.
Hindi naman nagpahuli ang mga sundalo ng Philippine Marines na nakipagsabayan sa mga sundalong Ruso sa paggamit ng assault vehicle, high powered rifle at rifle propelled grenade.
Nasa proseso na ang Philippine National Police (PNP) para tukuyin ang mga lugar na isasailalim sa critical areas of concern kaugnay sa 2019 midterm election.
Nagpamalas din ang mga tauhan ni Col. Antonio Indab, Marine contingent commander sa nasabing port call ng kanilang husay sa pagtudla ng hayaan sila ng mga Russian counterpart na sumali at subukang hawakan ang mga gamit na high powered firearms.
Una rito ay hinamon ng mga Ruso ang mga Pinoy na sundalo na sabayan sila sa kanilang physical conditioning na bahagi ng kanilang skilled assault exercises at urban warfare training sa malawak na obstacle arena na hindi naman inatrasan ng Philippine Marines.
Bagama’t hindi kabisado at kulang sa physical xercise ang mga Pinoy na galing pa sa siyam na araw na biyahe ay nakipagsabayan ang mga ito.
Ayon kay Col Indab, “Marines kami kahit hindi namin alam, kahit alam naming mahirap ‘yan hindi namin ‘yan aatrasan, lalabanan namin ‘yan.
Kamakailan ay sumabak din ang mga tauhan ng Philippine Navy sa iba’t ibang sports activities gaya ng volleyball, football at tug of war kung saan tinanghal ang mga sundalong Pinoy na first runner up sa lahat ng events maging sa Marines obstacle course competition. VERLIN RUIZ
Comments are closed.