RUSSIAN OIL COMPANY, PH INDEPENDENT OIL FIRMS SANIB-PUWERSA

SANIB-PUWERSA

NAKIPAGPULONG ang Philippine Ambassador to Russia sa mga opisyal ng Russian oil and refining company upang talakayin ang posibleng partnership sa independent oil firms sa bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), tinalakay rin ni Ambassador Carlos Sorreta at ng mga opisyal ng Gazprom Neft ang pagdadala sa bansa ng Russian fuel, oil, at lubricants.

“We are always looking for opportunities to bring the price of energy down for Philippine consumers and partnering with Gaz-prom Neft may be such an opportunity, not only in lowering energy costs but also in establishing stable and secure supply sources,” wika ni Sorreta.

Sinusugan ni Sorreta ang pakikipagpagpartner ng Gazprom Neft sa  independent oil firms sa bansa.

Ang diyalogo ay nag-ugat sa pakikipag-usap ni Presidente Rodrigo Duterte sa Russian government officials hinggil sa energy cooperation sa pagbisita niya sa Moscow kamakailan.

Ani Sorreta, makikipag-ugnayan siya sa mga kinauukulang Philippine government agencies hinggil sa posibleng pagpapalitan ng teknolohiya sa larangan ng refining.

Tinalakay rin sa nasabing pagpupulong kung paano magagamit ang mga produkto sa construction in-dustry, kabilang ang road building.

Comments are closed.