RUSSIAN SUBMARINE INIHARAP SA PHL NAVY TASK FORCE 87

BRP Tarlac-2

VLADIVOSTOK – IPRINISINTA sa mga opisyal ng Philippine Navy at itinabi sa BRP Tarlac LD601 ng Russian Navy ang kanilang Kilo Type Submarines kahapon ng umaga.

Iprinisinta ng Russian Pacific Fleet Navy kina Naval task Force Commander Capt. Florante N. Gagua at BRP Tarlac commanding Officer Capt. Estelito Lagadia Jr, ang electric submarines na may kakayahang maglakbay ng 45 araw sa ilalim ng dagat bago magpalit ng hangin sa loob at i-recharge ng kanilang generators ang mga electrical apparatus and instruments.

Pinayagan ng Russia Pacific fleet na pasukin at magsagawa ng obserbasyon sa loob ng Russian 529 submarine ang pinuno ng Naval Task Force na pina­ngungunahan ni Capt. Gaguia at iba pang ranking officer kabilang ang mamahayag na ito (PILIPINO ­Mirror Correspondent Verlin Ruiz).

Sa nasabing submarine visit ay ipinarating ni Gaguia ang malaking interes ng Philippine Navy na magkaroon at makabili ng submarines na gaya ng ipinakitang Kilo Type Diesel engine submarines.

Malugod na tinanggap ng submarine commander ang mga kinatawan ng BRP Tarlac kasunod ng pahayag na sana ay hindi ito ma­ging huling pagbisita ng Philippine Navy.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.