RUTA NG MMFF PARADE INILABAS

NAGLABAS  na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng magiging ruta sa idaraos na Metro Manila Film Fest 2022 Parade of Stars.

Ang parada na katatampukan ng float ng walong pelikulang kalahok sa MMFF ngayong taon ay idaraos sa Disyembre 21, 2022.

Ang Quezon City Local Government ang magsisilbing host para sa Parade of Stars na magsisimula sa Welcome Rotonda-Quezon Avenue patungong Quezon Memorial Circle.

7.36 kilometers ang total length ng parada at tinatayang aabot sa dalawang oras at kalahati ĺ⁰⁰00000⁰ and 30 minutes ang travel time.

Sa E. Rodriguez hanggang D. Tuazon ang staging area para sa mga float.

At tatahakin ang buong Quezon Avenue hanggang makarating sa QC Memorial Circle.

Magtatalaga ang MMDA ng mga traffic enforcer para umasiste sa daloy ng trapiko at sa crowd control.

Ang walong official entries sa MMFF ay ang sumusunod:
– “Deleter” by Viva Communications, Inc.
– “Family Matters” by Cineko Productions, Inc.
– “Mamasapano: Now It Can Be Told” by Borracho Film Production
– “My Father, Myself” by 3:16 Media Network and Mentorque Productions
– “Nanahimik ang Gabi” by Rein Entertainment Productions
– “Partners in Crime” by ABS-CBN Film Productions
– “Labyu with an Accent” by ABS-CBN Film Productions
– “My Teacher” by TEN17P

Ang mga pelikula ay mapapanood mula Disyembre 25, 2022 hanggang Enero 7, 2023.

Ang Gabi ng Parangal (Awards Night) ay gagawin sa Disyembre 27 sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.
LIZA SORIANO