PATULOY na nadaragdagan ang ruta ng point to point o P2P bus sa Metro Manila at sa mga karatig lalawigan na umaabot na sa 37 ruta.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), noong 2016 ay dalawa lamang ang ruta ng P2P bus at ang 37 ay madadagdagan pa ng tatlo ngayong taon kasama ang Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Pangasinan, Zambales at Pampanga.
Mabilis at komportable ang biyahe ng mga pasahero sa P2P bus dahil dire-diretso ito sa destinasyon at may takdang oras ng alis sa terminal. May TV, WiFi, aircon at CCTV. Maluwag ang loob na pang-VIP ang istruktura.
Minsan ay may escort na pulis o traffic enforcer para hindi mahuli sa kalsada.
Bukod sa North EDSA to Makati, kasama sa 37 nadagdag na ruta ng P2P bus ang: NAIA – Alabang, NAIA – Sta. Rosa, Laguna, NAIA – Cubao, NAIA – Ortigas, Clark – Dagupan, Pangasinan, Clark – Subic, Zambales, Clark – North Edsa, Clark – NAIA, Clark – Lubao, Pampanga, Clark – North Edsa, Clark – NAIA.