Ryan Bang ikakasal na

Itinuturing ni Ryan Bang na “God is good” dahil babaing mahal niya at mahal siya na si Paola Huyong ang pakakasalan niya — a non-showbiz pers.

Wala pang definite date ngunit nag-propose na si Ryan at tinanggap naman ito ni Paola — batay sa kanilang Instagram post kamakailan.

Kahit nabigla sa mga pangyayari, tinanggap ni Paola ang proposal, sabay soot ng isang mamahaling diamond ring.

Nang mag-“yes” si Paola, agad siyang niyakap ng buong higpit ni Ryan.

Noong una raw niyang nakilala ang parents ni Ryan at sobrang nerbyos nya pero napakabait daw nina Mr. & Mrs. Bang.

Suportado rin ng buong cast It’s Showtime ang nalalapit na kasalan, at malamang na ilan sa kanila ay Kasama pa sa entourage.

Sinundan ang proposal ng masayang party, at inulan naman ng pagbati ang future husband and wife.

Dapat daw sana ay birthday party ito ng kapatid ni Paola pero dahil isinurpresa ni Ryan ang engagement proposal, naging engagement party na rin.

Matagal na ring inaasahan ng pamilya Bang at Huyong ang proposal dahil napag-usapan na ito at walang problema sa magkabilang partido.

“Nung na-meet ko yung family ni Paola, yung parents niya, super proud sila sa trabaho ng daddy, mommy ko,” he related.

“Sabi sa akin ng tatay ni Paola, ‘Ryan, simula ngayon ipag-pray namin sila. Kasi ikaw, kasama ka sa family namin, iniisip ko yung daddy, mommy mo, kapatid ko.’

“Talagang tanggap na tanggap ako kung ano ang trabaho ng daddy ko.”

Meanwhile, Paola has also been introduced to Ryan’s parents in South Korea: “Siyempre nagulat sila, first time nila.

“In Korea, you never introduce to your parents if you really want her. Nagulat yung magulang ko.”

He even added that his wish to have both his estranged parents reunited was fulfilled.

“Yun yung best feeling ever. Wini-wish ko yun. At natupad dahil kay Paola,” Ani Ryan.

Dagdag pa niya, planado ang relasyon niya Kay Paola. Balak raw talaga niya itong pakasalan kaya ipinakilala niya sa kanyang [It’s] Showtime family.