MARAMING nagulat sa pag-amin ni Ryan Bang sa Showtime matapos ibinuko ni Yeng Constantino na nanligaw ito sa kanya 10 years ago.
Akala daw ni Ryan ay hindi siya type ni Yeng dahil ilang beses niya itong niyayang mag-hang-out pero hindi sumasama ang singer/composer. Feeling daw ni Ryan, basted siya until nalaman niyang umasa rin pala si Yeng. Nanligaw si Ryan pero after a few months, hindi na ito nag paramdam. Kung dati daw ay palaging sinasamahan si Yeng ni Ryan na mag-coffee sa labas, biglang hindi na.
Nagtaka raw si Yeng sa pagkawala ni Ryan, pero inisip na lang niya na hindi sila talaga para sa isa’t isa. Nag-apologize naman si Ryan nang malamang umasa rin pala ito noong 2010. At least, may closure na sila ngayon.
8 SENATORIABLES HAHARAP KINA ALI at PAT P.
Kikilatisin nina NET25 ASPN Primetime hosts Ali Sotto at Pat-P Daza ang mga kandidato sa Mata ng Halalan 2022. Sa linggong ito, kikilalanin nina Ali at Pat-P ang anim pang senatoriables at ang Pacquiao-Atienza tandem bahagi ng special election series.
Huwag Isasalang sa ASPN Primetime sina Sen. Risa Hontiveros at dating Spokesperson Harry Roque Jr.; dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, peace advocate Robin Padilla; human rights lawyer Chel Diokno, dating Presidential Anti-Corruption Commission chair Greco Belgica; Sen. Manny Pacquiao at House Deputy Speaker Lito Atienza.
Liban sa pagsusuri ng mga nagawa at gagawin pa ng mga kandidato, malalaman din ang mga pinagkakaabalahan nila sa labas ng pulitika. Sa pilot week ng programa, walong Senatoriables na ang nakapanayam nina Ali at Pat-P. Sila ay sina Rep. Rodante Marcoleta at dating Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito (Jan. 24); Sen. Sherwin Gatchalian at Dr. Ma. Dominga “Minguita” Padilla; Sen. Joel Villanueva at dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo; at Marawi civic leader Samira Gutoc at House Deputy Speaker Loren Legarda.
Ang ASPN Primetime ay mapapanood 8:00 p.m., Lunes hanggang Huwebes, sa terrestrial TV (Channel 25), Sky Cable (Channel 18), Home Cable (Channel 18) at Global Destiny (Channel 19).