Hindi kataka-takang mag-artista rin ang Unico hijo ni Finance Secretary Ralph Recto na si Ryan Christian Recto.
Aba, Star for all Seasons ang kanyang Ina na si Rep. Vilma Santos, nasa dugo yan!
Kaya lang, baka malito ang bata. Ginu-groom din kasi si Ryan para maging mambabatas sa Kongreso o kaya naman, governor ng Batangas, lalo pa nga at napakaganda ng naging performance ni Ate Vi noong diya Ang nasa posisyon.
He might stick in Lipa City.
Pero whichever daw na gusto ni Ryan, susuportahan nila itong mag-asawa.
Sa totoo lang, marami raw nag-uudyok kay Ryan na mag-artista. Maganda raw kasi itong kumanta, at kung nagmana ito kay Ate Vi, baka mahusay din ito sa acting.
Sabagay, wala namang masamang maging politician at artista at the same time. Kinaya nga ni Ate Vi, di ba? Saka andaming artistang nagpulitiko.
Naniniwala kaming capable ang anak Nina Sec. Ralph at Ate Vi — mas capable sa iba dyan. Kasi, kung magkaproblema sya sa political position, pwede siyang payuhan ni Ralph Recto. Kung sa acting, I’m sure, susuportahan siya ni Ate Vi. At kung hosting, aba, ano Ang ginagawa ni Luis Manzano. Sa singing? Naku, palagay ko, he’s on his own.