RYAN CHRISTIAN RECTO, ARTISTA O POLITICIAN?

MAHILIG sumayaw, kumanta at mag-drums ang anak nina Star for all Season Vilma Santos at Senator Ralph Recto na si Ryan Christian Rec kaya nalilito si Ate Vi kung mag-aartista ba ito o magiging politiko.

Sa huling vlog ng representative ng lone district ng Lipa na si Ate Vi, ipinakita niyang sumasayaw sila ng bunsong anak na si Ryan. Manang mana ito sa ina na mahusay sumayaw.

Sobrang proud naman siya sa kanyang anak at ipinagmalaki pa ang iba nitong talent. Vlogging daw ang libangan niya ngayon dahil naiinip siya dahil bihira na siyang makalabas mula nang magkaroon ng pandemya. Minsan umano ay ka-collab niya ang anak na si Luis Manzano at manugang na si Jessy Mendiola pero mas madalas niyang mahatak si Ryan.

Speaking of Ryan Christian, bata pa lamang ito ay may sarili na itong hatak sa mga tao – na marahil ay namana niya sa kanyang mga magulang ng kakaibang charisma, pero mahiyain ito kaya bihirang makita sa TV.

So far, most viewed sa vlogs ni Ate Vi ang kanilang 29th wedding anniversary.  nila ni Senator Ralph Recto na in-upload noong Disyembre 19, 2021. Ipinagmamalaki ni Ate Vi na ang kanyang asawa ang mentor niya sa pagi­ging politician at masayang masaya siyang ito ang naging asawa niya kahit marami silang pinagdaanang ups and downs.

Sa ama naman ni Lucky na si Edu Manzano, wish lang daw niyang sana ay ma­ging masaya ito kay Cherry Pie Picache na karelasyon nito nga­yon. Sa kabila ng pinagdaanan nila at paghihiwalay, naging mabuting magkaibigan umano sila in the long run. Si Cherry Pie naman umano ay kaibigan na niya bago pa naging sila ni Edu.   — KNMARTIN