HUMARAP sa press kamakailan si Ryle Santiago nang mag-renew siya ng kontrata bilang endorser ng Cherub. Dito ay naungkat ang isyu nito sa kanyang tunay na ama na si Jun Jun Santiago, kapatid nina Randy, Raymart at Rowell Santiago.
Nakikilala na si Ryle sa showbiz kaya hindi maiiwasan na maungkat ang isyu nito. Si Chris Tan ang tumayong ama ni Ryle magmula pagkabata hanggang sa ngayon at ito na rin ang tumatayong manager ni Ryle.
Nang pumirma muli ng kontrata si Ryle ay kasama nito si Chris at doon nilinaw nito na Santiago na talaga ng dadalhing apelyido ng kanyang stepson na si Ryle para maiwasan ang confusion.
Ryle Santiago ang screen name niya pero Ryle Tan ang ginagamit nito sa kanyang legal documents at social media accounts.
“Kasi, that`s only a name. Ang importante sa akin ‘yung nasa puso ko. Sinabi ko naman na anak ko naman siya,” say ni Chris (ang stepfather ni Ryle).
Hindi raw kasi pumayag si Jun Jun Santiago na ampunin niya si Ryle.
Hindi naman naitago ni Ryle ang sama ng loob niya sa kanyang tunay na ama at sana raw ay gumawa ng paraan ang kanyang ama para sila magkaayos.
Wala raw balak si Ryle na siya ang gumawa ng paraan para sila magkaayos mag-ama. Sana raw ay mag-effort din daw si Jun Jun na lumapit at makipag-ayos mabuti sa kanya.
“Para sa akin siguro siya naman, kasi wala naman akong ginawa. Naipit lang naman ako sa crossfire. Ako pa ba ‘yung gagawa ng paraan para makipag-ayos?
“I`m not saying na hindi kami maging okey. I`m just saying na show me naman na okay tayo. Kahit paano may pride pa rin ako nang konti para sa sarili ko. Pero yung sobrang taas na pride ko dati, binaba ko na lang ‘yun. ‘Yung kaunti na lang… ‘yun na lang talaga eh. Nakasara ‘yung pinto, pero puwede siyang bumukas,” pahayag ni Ryle.
Sabi naman ni Sherilyn Reyes (mommy/actress ni Ryle) na hindi na nila pinakikialaman ang desisyon ni Ryle dahil nasa hustong gulang na ito at alam na nito ang buong kuwento. Wala silang itinago rito mula pagkabata hanggang ngayon.
MARIZ NAGPALIWANAG SA BREAK-UP NILA NI IÑIGO PASCUAL
NANG humarap sa press si Mariz Racal ay naungkat ang sinabi niya sa show ni Kuya Boy sa Tonight With Boy Abunda last June na nadurog ang kanyang puso dahil kay Iñigo Pascual.
That time nang tanungin si Mariz ay kasama niya si Iñigo kaya tinanong siya to clarify that statement she said kay Kuya Boy sa harap mismo ni Iñigo.
Imbes na sagutin ni Mariz ang tanong ay ipinasa niya kay Inigo ang tanong para ito na mismo ang sumagot.
“Iñigo, paki-clarify yun,” nakangiting say ni Mariz at saka inulit muli sa binatang anak ni Piolo Pascual na, “Iñigo, paki-clarify mo ngayon uli.
“Kasi ako na lang lagi ang tinatanong. Sabihin mo! No filter! Para hindi na `ko matanong in the future,” patuloy ni Mariz
Dahil isang tunay na gentleman si Iñigo, sinalo niya ang tanong para maging malinaw ang naging isyu sa kanila ni Mariz.
“Hindi siyempre, we went through a lot together, that`s what I always say, and may mga bagay na hindi naman natin siyempre, makokontrol.”
Siyempre nagbigay rin ng kanyang paliwanag si Mariz sa break-up isyu nila ni Iñigo.
“Yes, siyempre masakit ‘yun, nararamdaman din ‘yun but we`re happy na naka-move on na kami and we`re friends. ‘Yun lang naman po,” pahayag ni Mariz.
Sinabi rin ni Mariz sa interview sa kanya ni Kuya Boy ay inamin niyang more than friends sila ni Iñigo pero hindi naman sila officially naging magdyowa.
Pero napagkasunduan din nilang dalawa na maghiwalay muna para mag-focus sa kanilang showbiz career.
Comments are closed.