RYZA CENON HIWALAY NA SA BOYPREN

RYZA CENON

BAGO mag-Pasko ay nagdiwang na muna ng isang simpleng kaarawan si Ryza Cenon sa kanyang wallfacenegosyong restawran, ang Alegria Restaurant sa Bonifacio Global City. Halos lahat ng mga mahal niya sa buhay ay nandoon at nang matanong ang kanyang Christmas plan ay sinabi ng actress na tuwing taon ay hindi siya nagno-Noche Buena at nagluluto siya para ipamahagi sa mga street dwellers.

Naging kaugalian na niya ito at lagi siyang may kasama kapag nag-iikot siya ng kanyang regalo. May tsika na that time ang balak yata ni Ryza ay kasama ang kanyang long time boyfriend na si Pocholo Barretto. Pero what went wrong na tila naging malamig ang Kapaskuhan ni Ryza?

Tsikang naghiwalay na ang dalawa bago mag-Pasko. Hindi na rin naman bago ito kina Ryza at Pocholo na nagkaka-LQ o lover’s quarrel pero, by this time ay tila malalim ang naging ugat ng kanilang ‘tampuhan’ dahilan sa ini-unfollow nila ang bawat isa sa kanya-kanyang social media account.

Maraming nagsasabing baka maayos pa ng dalawa ang kanilang ‘away’ pero mas marami rin ang nagkokomento na bakit kaila­ngan pang tulu­yang mawalan na sila ng komunikasyon sa isa’t isa sa pamamagitan ng pag-unfollow nila? May umaasa pa rin na sa taong 2019 ay magkakaayos din sila.

DENNIS TRILLO ‘DI INASAHANG MANANALO NG BEST ACTOR SA MMFF

dennis trilloHINDI talaga inaasahan ng Kapuso actor na si Dennis Trillo na siya ang magwawaging ‘best actor’ nitong 2018 Metro Manila Film Festival sa nakaraang awards night, Dec. 27, Thurs, para sa pelikulang “One Great Love”.

Ang kanyang manager ang tumanggap ng kanyang acting award dahilan sa dinapuan ng karam­daman si Dennis sa gabi mismo ng parangal. Labis-labis ang kaligayahan na nadama ni Dennis bukod kasi sa malakas ang tsikang si Eddie Garcia ng ‘Rainbow Sunset’ ang liyamadong winner sa naturang category ay inabot din si Dennis ng 14 na taon bago muling nakakopo ng acting awards sa MMFF.

Last time ay best supporting actor siya sa 2004 MMFF entry niyang “Aishite Imasu 1941: Mahal Kita”. Buong pusong nagpasalamat si Dennis via his social media account sa kanyang producer na si Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment sa tiwalang binigay sa kanya, at sa kanyang director na si Eric Quizon na ginabayan si Dennis sa tamang pag-arte lalo na sa mga maseselang eksena sa “One Great Love” at siyempre kasama sa pinasalamatan ni Dennis ang kanyang one great love na si Jennylyn Mercado.

Comments are closed.