NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng limang kilong bigas at isang buong manok sa bawat pamilyang Navoteño bilang bahagi sa pagdiriwang ng lungsod ng ika-116 na anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Pinangunahan ng mga opisyal ng pamahalaang lungsod ang unang araw ng pamimigay ng 116th Navotas Day Regalo Para sa Pamilyang Navoteño.
Nasa 14,157 mga pamilya mula sa barangays Tangos North at South ang unang nakatanggap ng naturang mga food pack.
Bumili ang pamahalaang lungsod noong Disyembre ng 80,317 packs ng bigas at manok para sa buong Navotas.
Namigay din ng paracetamol, phenylpropanolamine, at vitamin C ang pamahalaang lungsod sa 87,315 pamilyang Navoteño. EVELYN GARCIA