INIHAYAG ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang pamamahagi ng learning kits sa mahigit 7,000 kabataan na nag-aaral sa 118 daycare centers sa lungsod.
Ang bawat learning kit ay naglalaman ng alphabets charts, colors at iba’t-ibang uri ng gulay; science, mathematics at writing books pati na rin ang isang envelope na naglalaman ng bond paper, art paper, pencils crayons, clay, gunting, glue, pambura at pangtasa.
Bukod sa ipinamahaging learning kits ay napagkalooban din ang bawat batang lalaki at babaeng estudyante ng mga daycare centers ng kanilang uniporme, early childhood care and development (ECCD) checklist; hygiene kits na may kasamang alcohol, toothpaste, toothbrush, face mask, baby wipes, face towel at nail cutter.
Ipinamahagi ang mga learning kits sa iba’t-ibang covered courts sa 201 barangay sa lungsod sa tulong ni City Social Welfare and Development Office (SWDO) chief Angie Roa-Yu.
Nabatid na ang programa ng lokal na pamahalaan para sa mga mag-aaral sa daycare center ay bahagi rin ng HELP agenda (Healthcare and housing, Education, economic growth and environment; Livelihood and lifestyle; Peace and order, palengke at pamilya. MARIVIC FERNANDEZ