(Sa 125th Independence Day) QCPD NAGPALIPAD NG PUTING KALAPATI

NAGPALIPAD ng pu­ting kalapati ang Que­zon City Police District (QCPD) sa bilang tanda ng kapayapaan sa paggunita ng ika-125 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas bilang simbolo ng kapayapaan at Kalayaan.

Ayon kay BGen Nicolas Torre III , ang makabuluhang kaganapan sa kasaysayan ng bansa ay bilang pag-aalala rin sa ating mga ninuno at mga bayani.

“Ang kanilang di-natitinag na diwa, pagiging di-makasarili at katapangan ang naging daan para sa kalayaang hawak natin ngayon. Ang tema ng pagdiriwang ng taon ay nagdadala ng makapangyarihang mensahe na umaayon sa atin,” ani Torre.

Isinagawa ang Traditional Monday Flag Raising ceremony ng QCPD kasabay ng 125th Anniversary of the Proclamation of Philippine Independence na may temang: “Kalayaan .Kinabukasan. Kasaysayan.”

Kabilang din ang pagpapaalala sa mga pulis sa kinilalang sakripisyo at katapangan ng bawat pulis bilang pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Bukod dito, isinagawa ang pamamahagi ng mga parangal sa mga tauhan ng QCPD bilang pagkilala sa kanilang kahusayan at dedikasyon sa kanilang mga tungkulin at kani-kanilang posisyon.
PAULA ANTOLIN