(Sa 1st Mindanao Infra Summit) FLAGSHIP PROJECTS IBINIDA NG DPWH

IPINAMALAS ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kanilang mga flagship projects sa 1st Mindanao Infrastructure Summit na inorganisa ng Mindanao Development Authority (MinDA) nitong Oktubre 10 hanggang 11.

Pinangunahan ni DPWH Senior Undersecretary Emil K. Sadain ang presentasyon ng mga flagship infrastructure projects sa Mindanao.

Ibinida niya ang patuloy na pagsisikap ng DPWH na itaguyod ang lokal na paglago ng ekonomiya partikular sa mga lugar na kulang sa serbisyo at malalayo sa pamamagitan ng road at bridges connectivity gayundin ang major flood control projects sa ilalim ng programang “Build Better More” at bahagi ng administrasyong “Bagong Pilipinas” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kabilang sa mga flagship project ng DPWH sa Mindanao ang Improving Growth Corridors in Mindanao Road Sector Project sa Western Mindanao; Panguil Bay Bridge Project, Flood Risk Management Project for Cagayan De Oro (CDO) River and Central Mindanao High Standard Highway Construction Project CDO-Malaybalay Section in Northern Mindanao; Davao City Bypass Construction Project, Samal Island-Davao City Connector (SIDC) Bridge, Davao River Bridge and Davao City Flood Control and Drainage Project in Davao Region; Road Network Development Project in Conflict Affected Areas in Mindanao and Ambal Simuay River and Rio Grande de Mindanao River Flood Control Projects in Central Mindanao; Agusan Daang Maharlika Road Improvement Project in CARAGA Region; Emergency Assistance for Reconstruction and Recovery of Marawi in Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Binigyang-diin ni Sadain ang mahalagang papel ng impraestruktura sa pagbubukas ng potensyal ng Mindanao at pagpapalakas ng kompetisyon nito sa pambansa at pandaigdigang antas.

Samantala, tinalakay ni DPWH Planning Service Director Alex G. Bote ang mga plano ng ahensya para sa imprastruktura ng rehiyon.

Isa sa mga pangunahing tampok ng summit ay ang paglagda ng isang Memorandum of Cooperation (MOC) sa pagitan ng DPWH sa pamamagitan ni Usec. Sadain at MinDA Secretary Leo Tereso Magno na pormal na nagpatibay sa kanilang pakikipagtulungan upang palakasin ang kolaborasyon sa pag-unlad ng impraestruktura sa buong Mindanao.

RUBEN FUENTES