(Sa 2 Int’l Banking Awards) ROBINSONS BANK PH ‘BEST COMMERCIAL BANK’ AT ‘FASTEST GROWING COMMERCIAL BANK’

ITINANGHAL ang Robinsons Bank (RBank) bilang Philippines’ ‘Best Commercial Bank’ sa International Banker 2019 Banking Awards at ‘Fastest Growing Commercial Banking’ sa 2019 Global Business Outlook Awards.

Binigyang halaga ang mga naiambag ng Bank sa ekonomiya ng bansa at sa komunidad nito, kinilala ng awards ang pagsisikap ng Bank na ma-iangat at mapagbuti ang pamumuhay ng mga kliyente nito.

“Through the years, Robinsons Bank expanded its geographic reach, created regional centers, issued Corporate Bonds worth Php 5.0B, increase of capital stock to P27B, and introduced new products and services such as Simplé Savings, DOS® Mastercard, IPONsurance®, Cashback Credit Card and more to fulfill the community’s changing needs.”

Kinikilala ng International Banker 2019 Banking Awards at ng 2019 Global Business Outlook Awards ang mga mi­yembro ng top-ranking industry na nagpamalas ng mahusay na performance sa buong global banking industry.

Kamakailan, ang mga produkto ng Robinsons Bank ay kinilala rin sa 2019 Global Business Outlook Awards kung saan pinarangalan ang Simplé Savings nito bilang ‘Most Innovative Banking Product’ at ang DOS® Mastercard bilang ‘Most Innovative Credit Card Product’.

Hanggang noong Hunyo 2019, ang Ro­binsons Bank ay pang-18 sa universal at commercial banks sa bansa, na may assets na nagkakahalaga ng P120.7-B. Sa kasalukuyan, ang RBank ay may 151 branches at 391 ATM networks sa buong bansa. Ang wholly owned subsidiary nito, ang Legazpi Savings, ay patuloy ring lumalago na may 17 branches at 17 ATMs.

Para sa mga katanu­ngan, maaaring makipag-ugnayan sa Robinsons Bank sa pamamagitan ng Customer Care Center nito sa (02) 8637-CARE (2273) o domestic toll-free 1-800-10-637-CARE (2273); o bumisita sa website nito sa www.robinsonsbank.com.ph. I-like sila sa Facebook sa www.facebook.com/robinsonsbank/ at i-follow sa Twitter @RBankCorp.

Comments are closed.