(Sa 2-week ECQ) P210-B MAWAWALA SA EKONOMIYA

Karl Kendrick Chua

TINATAYANG sa P105 billion kada linggo ang mawawala sa ekonomiya ng bansa kapag muling isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ)  ang Metro Manila, ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua.

Ang Metro Manila ay nakatakdang isailallm sa pinakamahigpit na quarantine restrictions sa August 6-20 sa gitna ng banta ng mas mabilis na makahawang COVID-19 Delta variant sa bansa.

“Each week of ECQ (enhanced community quarantine) in NCR (National Capital Region) will cost the economy P105 billion,” sabi ni Chua, tinukoy ang pinakahuling pagtaya mula sa National Economic Development Authority (NEDA).

“Also increase[s] poor people by up to 177,000 and 444,000 more without jobs,” sabi pa ni Chua.

Sa kasalukuyan, ang Metro Manila ay nasa ilalim ng general community quarantine na may heightened at additional restrictions na tatagal sa August 5.

Gayunman, sinabi ni Chua na ang economic impact ng hard  lockdown “can be partly reversed if we use the three weeks to accelerate vaccination of everyone in the high risk areas.”

“This way, the ECQ will be an investment to pave the way for a recovery once we control Delta spread,” paliwanag ng chief economist ng bansa.

Idinagdag pa niya na ang pagkakaloob ng cash aid sa mga apektado ng muling pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila ay maka-pagpapagaan sa epekto.

Sa ilalim ng  ECQ ay limitado ang galaw ng tao kung saan tanging essential trips at services ang papayagan.

5 thoughts on “(Sa 2-week ECQ) P210-B MAWAWALA SA EKONOMIYA”

Comments are closed.