(Sa 2-week ECQ) PUBLIC TRANSPORT TULOY ANG PASADA

Goddes Libiran

TULOY ang biyahe ng mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila sa panahon ng enhanced community quarantine sa August 6-20, ayon sa Department of Transportation (DoTr).

Gayunman, sinabi ni DoTr Assistant Secretary Goddes Libiran na maghihigpit sa mga pasahero kung saan tanging ang authorized persons outside of their residence (APORs) ang papayagang gumamit ng  public transport, tulad ng kautusan ng Inter-Agency Task Force.

“But, whatever the decision of IATF will be, we will abide,” aniya.

Noong unang ipatupad ang ECQ sa Metro Manila noong March 16-May 14, 2020 ay ipinagbawal ang mga pampublikong sasakyan.

Noong muling isailalim ang Metro Manila sa ECQ simula March 29 hanggang April 11, 2021, ang mga manggagawa sa essential at non-essential sectors ay pinayagan na pisikal na mag-report sa trabaho subalit nilimitahan ang public transportation.

Sa ikatlong pagkakataon, ang Metro Manila ay muling isasailalim sa hard lockdown sa August 6-20 para mapigilan ang pagkalat ng mas mabilis makahawang COVID-19 Delta variant.

86 thoughts on “(Sa 2-week ECQ) PUBLIC TRANSPORT TULOY ANG PASADA”

Comments are closed.