NAMIGAY si dating Speaker Alan Peter Cayetano at kanyang mga kaalyado mula sa kilusang Balik sa Tamang Serbisyo (BTS) sa Kongreso ng P10,000 na cash na tulong bawat isa sa halos 200 na mga benepisyaryo mula sa buong Filipinas noong Sabado, Mayo 1, bilang bahagi ng kanilang kampanya para sa agarang pagpasa ng panukalang 10K Ayuda Bill at sa pagdiriwang ng Araw ng Manggagawa.
Sa layuning maabot ang pinakamahirap at pinaka-vulnerable na sektor na matinding naapektuhan ng pandemya, nagsagawa si dating Speaker Cay-etano at ang kilusang BTS ng isang live virtual event na tinawag na “Sampung Libong Pag-asa” kung saan nagbigay sila ng tulong na salapi sa halos 200 na mga benepisyaryo mula sa 13 lugar sa bansa.
Ang mga lugar na ito ay Batangas, Bulacan, Cavite, Camarines Sur, Caloocan City, Marikina City, Quezon City, Taguig City, Mandaluyong City, Pateros, Sta. Rosa City sa Laguna, Antipolo City sa Rizal, at Ormoc City sa Leyte.
“Mga tunay na tao ito na tunay ang problema, na bago magkaroon ng pandemya ay hirap na at ngayon ay hirap na hirap. Ilan lang ang [nabigyan] today, at bagama’t maraming na-i-inspire na gusto ring tumulong, kailangan pa rin talaga natin itong batas na ito para lahat mabigyan,” sabi ni Cayetano.
“Hopefully, itong gagawin natin today, in the spirit of bayanihan through private sponsors and donors, ma-encourage ang Congress pag-open ng May 17 na ‘yung 10K Ayuda Bill at Bayanihan 3 ay itulak naman at ipasa na,” dagdag niya.
Sinamahan si Cayetano nina Taguig 2nd District Maria Laarni “Lani” Cayetano; Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu; Caloocan City 2nd District Rep. Edgar Erice; Marikina ABC President at NCR Liga ng mga Barangay President Ziff Ancheta ng Tumana, Marikina City; Bulacan 1st District Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado; Mandaluyong City Lone District Rep. Neptali Gonzales II; Cavite Reps. Francis Gerald Abaya, Luis Ferrer IV, Elpidio Barzaga, Jr., at Abraham Tolentino; Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez; Antipolo City 1st District Rep. Roberto Puno; ANAKALUSUGAN Rep. Michael Defensor; Camarines Sur 2nd District Luis Raymund Villafuerte, Jr.; at Leyte 4th District Rep. Lucy Torres-Gomez, kasama ni Ormoc Mayor Richard Gomez.
“Sa hirap ng buhay ngayon, dapat lahat tayo ‘wag mawalan ng pag-asa [at] dapat maging inspirasyon sa ating mga kababayan,” sabi ni Rep. Villafuerte na siyang co-host ng programa.
“Kami naman sa Kongreso, kasama si Congressman Alan Peter, kasama naman na tumutulak na sana maging totoo ito sa lalong madaling panahon itong P10,000 tinutulak namin,” dagdag niya.
“Napakalaking tulong na po ng natanggap kong P10,000. Hindi na po ako mangungutang ng puhunan para makapagtinda,” sabi ni Merly Agot Nolan, isa sa mga benepisyaryo ng programa.
Para kay Lorna Javierto, ang P10,000 cash na tulong mula kay Cayetano at kanyang grupo ay magbibigay-daan sa kanya upang maibigay ang mga pangangailangan at edukasyon ng kanyang mga anak.
Ang Sampung Libong Pag-asa ay batay sa panukalang 10K Ayuda Bill ni Cayetano, na naglalayong mabigyan ang bawat pamilyang Filipino ng P10,000 o P1,500 bawat miyembro ng pamilya, alinman ang mas mataas.
Sa isa sa kanyang mga naunang panayam, sinabi ni Cayetano na sinimulan nila ang pamamahagi ng P10,000 cash tulong simula pa noong Pebrero habang hinihintay ang pagpasa ng ipinanukalang 10K Ayuda Bill sapagkat ang buhay ng mga tao ay hindi makapaghihintay.
Sa kabuuan, 38 na ang nakinabang at nakatanggap ng P10,000 mula kay Cayetano at mga kapwa mambabatas mula Pebrero hanggang Abril ng taong ito.
222806 198190An fascinating discussion is price comment. I feel that you must write extra on this topic, it may well not be a taboo subject but usually individuals are not enough to talk on such topics. To the next. Cheers 124398
20470 60353Youre so right. Im there with you. Your weblog is surely worth a read if anyone comes throughout it. Im lucky I did because now Ive obtained a complete new view of this. I didnt realise that this issue was so crucial and so universal. You totally put it in perspective for me. 373669