(Sa 2021 Miss Universe) ESTUDYANTENG DESIGNER NAPILING GUMAWA NG NATIONAL COSTUME

ISABELA-ISANG malaking karangalan ng bayan ng San Mateo na bibida sa Miss Universe 2021 ang baguhang fashion designer at kasulukuyang estudyante sa isang Unibersidad makaraang mapili ang ginawa nitong National Costume ng isang kandidata sa 69th Miss Universe 2021 na gaganapin sa Florida, USA sa Mayo 17.

Si Kennedy Jhon Gasper, 20-anyos, residente ng Barangay Uno, San Mateo, Isabela ay kasalukuyang nasa ikatlong taon sa kursong BS in Fashion and Textile Technology Major in Fashion Designing sa Central Luson State University (CLSU) Munoz, Nueva Ecija.

Ayon kay Kennedy Jhon, hindi niya umano inaasahan ang oportunidad matapos na pumatok at pinagkaguluhan online ang kanyang design na fashion sketch.

Aniya,personal umanong nagmensahe sa kanya ang isang kandidata ng Miss Universe 2021 na mula sa bansang Africa na nagustuhan ang kanyang fashion sketch.

Sinabi ni Gasper, nagdadalawang isip pa umano siya sa kanyang natanggap na mensahe dahil sa wala siyang sapat na pinansiyal para gawin ito gayunpaman ay tinanggap pa rin nito ang napakagandang offer na isang malaking karangalan na mapabilang bilang designer ng prestiyosong kompetisyon.

Kuwento ni Gasper, ang naturang national costume ay nabuo lamang niya sa loob ng apat na araw katuwang ang kanyang mga kaibigan.

Naipadala na nito ang nasabing national costume at inaasahang makakarating sa loob ng ilang araw sa Amerika. IRENE GONZALES

5 thoughts on “(Sa 2021 Miss Universe) ESTUDYANTENG DESIGNER NAPILING GUMAWA NG NATIONAL COSTUME”

  1. 179161 502759I need to admit that this really is one wonderful insight. It surely gives a company the opportunity to get in on the ground floor and genuinely take part in creating something special and tailored to their needs. 405085

Comments are closed.