(Sa 2022 Pahayag Publicus Asia survey) HIGHEST TRUST AT APPROVAL RATING NAKUHA NG AFP

NAKAKUHA ng pinakamataas na trust and approval rating ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isinagawang pag-aaral ng Publicus Asia nitong unang ika-apat na bahagi ng taong 2022.

Agad na nagpahayag ng pasasalamat si AFP Chief General Andres Centino sa sambayanan sa patuloy na pagtitiwala ng mga Pilipino sa hukbong sandatahan ng Pilipinas.

Sa ginawang survey , nakamit ng AFP ang pinakamataas na trust at approval rating sa 2022 Pahayag First Quarter Survey ng Publicus Asia.

Batay sa survey ng 1,500 respondents, nakamit ng AFP ang approval rating na 67.4% at trust rating na 53.4%, na pinakamataas sa lahat ng:ahensya ng gobyerno.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala, ang resulta ng survey ay nagpapakita ng mataas na pagtitiwala ng mamamayan dahil sa pagsisikap ng AFP na pangalagaan ang seguridad at kapayapaan ng bansa.

Tiniyak din ni Col Zagala na susuklian ng AFP ang pagtitiwala ng mamamayan sa pamamagitan ng dedikasyon sa kanilang mandato na protektahan ang sambayanan at ipagtanggol ang estado.

“The Armed Forces of the Philippines welcome the Filipino people’s continuous trust and confidence, as shown in the 2022 Pahayag First Quarter Survey by Publicus Asia,” ani Col Zagala. VERLIN RUIZ